Jodi, Angelica nagsampalan agad bilang Amor at Claudia | Bandera

Jodi, Angelica nagsampalan agad bilang Amor at Claudia

Ervin Santiago - December 04, 2014 - 03:00 AM

jodi sta maria
Nagpiyesta ang libu-libong supporters nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang finally ay lumabas na ang teaser ng bago nilang serye sa ABS-CBN – ang remake nga ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa.

Talagang nag-trending ang nasabing teaser sa social media kung saan ipinakita nga sina Daniel at Kathryn na siyang gaganap bilang sina Yna Macaspac at Angelo Buenavista.

Sabi ni Daniel sa interview ng ABS, “Happy lang ako ngayon. Parang kinikilabutan ako nung shinoot namin. Pangako Sa ‘Yo, yun na yun mismo. Tapos habang ginagawa namin, tuluy-tuloy lang yung music ng Pangako Sa ‘Yo. Parang oh my God, ito na talaga yun.”

Sey naman ng Teen Queen, “Masaya ako lalo na nu’ng nakita namin yung trailer. Hindi ko ma-explain. Sobrang nakakatuwa. Nakakapanibago nung una. Hindi ako used na ganu’n, pero nakakatuwa kapag nakita mo na yung outcome.

Worth it lahat.” Pero siyempre, agaw-eksena rin ang mga napiling gumanap sa iconic characters ng serye na sina Amor Powers at Claudia Buenavista na bibigyang-buhay ngayon nina Jodi Sta.

Maria at Angelica Panganiban respectively. Ibig sabihin, tinanggap din pala ni Jodi ang nasabing offer. Nu’ng una kasing mainterbyu si Jodi tungkol dito ay dinenay pa niya.

Ngunit marahil ay hindi siya tinantanan ng mga bossing ng ABS hanggang sa tanggapin din niya ang proyekto.  Nag-trending din ang three-minute trailer ng Pangako Sa Yo dahil sa sampalan scene agad nina Jodi at Angelica.

Kung mamatatandaan, naging bukambibig ng mga Pinoy ang mga pangalang Amor Powers at Claudia Buenavista dahil sa hindi malilimutang mga eksena nila sa serye, si Eula Valdes ang gumanap noon bilang si Amor, habang si Jean Garcia naman ang kontrabidang si Claudia.

Kung matatandaan din, isa si Jodi sa cast ng original Pangako Sa ‘Yo kung saan gumanap siya bilang younger sister ni Jericho.
So, dalawang remake ang aabangan ngayon sa ABS!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending