Derek grabeng panghihiya at pamemersonal ang inabot sa ABS | Bandera

Derek grabeng panghihiya at pamemersonal ang inabot sa ABS

Cristy Fermin |December 04,2014
facebook
share this

Derek grabeng panghihiya at pamemersonal ang inabot sa ABS

Cristy Fermin - December 04, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay1
Mabuti naman at habang maaga pa ay nilinaw na agad ni Derek Ramsay ang umiikot na kuwentong iiwanan na niya ang TV5 at babalik na siya sa ABS-CBN.

Para sa nakakaalam ng pribadong kuwento tungkol sa paghihiwalay ng dalawang kampo ay imposibleng mangayri ang kumakalat na kuwento, mangyari man ‘yun ay hindi pa ngayon, dahil matindi ang namagitan kay Derek at sa nasabing network.

May mga nagtangkang pumagitan sa kanila, pero walang nangyari, masamang-masama talaga ang loob ng mga tagapamuno ng Dos sa paglipat ni Derek sa TV5.

At hindi ‘yun naitago ng network, sapin-saping panghihiya na ang ginagawa nila kay Derek, tama bang ipatanggal ang kanyang pangalan at mukha sa poster ng mga ginagawa niyang pelikula kapag nagpo-promote ang kanyang mga kasamahan sa mga programa ng ABS-CBN?

Ni hindi nga pumapayag ang istasyon kahit ang banggitin lang ang pangalan ni Derek bilang kasama sa pelikula? Ganu’n ba ang babalikang network ng hunk actor, namemersonal, nanghihiya ng dati nilang artista?

Ayon kay Derek Ramsay ay totoong matatapos na ang kanyang kontrata sa TV5, pero may panibagong negosasyon nang nagaganap, pipirma uli siya sa Happy Network.

At ang pinakamakabuluhang sinabi ni Derek ay hindi siya aalis sa network na napakaganda ng ginagawang pagtrato sa kanya.
Hinding-hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending