ALASKA, GINEBRA MAGSASAGUPA | Bandera

ALASKA, GINEBRA MAGSASAGUPA

Barry Pascua - December 02, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(MOA Arena)
4:15 p.m. Barako Bull vs NLEX
7 p.m. Alaska Milk vs Barangay Ginebra
Team Standings: Alaska Milk (8-1); San Miguel Beer (8-1); Rain or Shine (7-2); Talk ‘N Text (6-3); Barangay Ginebra (5-4); Purefoods Star (5-4); Globalport (5-5); Meralco (4-5); Barako Bull (3-6); NLEX (3-6); Kia
(1-8); Blackwater (0-10)

IPAGPAPATULOY ng Alaska Milk ang pagtugis sa automatic semifinals berth sa sagupaan nila ng Barangay Ginebra sa 2014-15 PBA Philippine Cup mamayang alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon, magkikita ang NLEX at Barako Bull na kapwa nais maselyuhan ang pagpasok sa quarterfinals.

Ang Aces ay may 8-1 karta at nasa unang puwesto kasama ng San Miguel Beer. Subalit hindi pa sila sigurado sa automatic semis berth na nakareserba para sa top two teams sa pagtatapos ng 11-game elims.

Kahit na talunin ng Alaska ang Ginebra ay puwedeng dumausdos sa ikatlong puwesto ang Aces kung matatalo sila sa Rain or Shine sa Biyernes. Nairehistro ng Elasto Painters ang ikalimang sunod na panalo nang talunin nila ang defending champion Purefoods Star noong Linggo para sa 7-2 record. Kailangang mapanalunan nila ang huli nilang dalawang laro upang makadiretso sa semis.

Ang Alaska Milk, na galing sa 90-84 come-from-behind na panalo kontra NLEX, ay pinamumunuan nina Calvin Abueva, Sonny Thoss, Cyrus Baguio, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Ang Gin Kings ay natalo sa kanilang huling tatlong laro laban sa San Miguel Beer (79-77), Meralco (109-99) and Globalport (98-77) at bumagsak sa ikalimang puwesto kasama ng Purefoods Star sa record na 5-4.

Kung matatalo pang muli ang Gin Kings ay puwede silang dumausdos pababa sa ikapito hanggang ikasampung puwesto na mangangahulugang kailangan nilang talunin ng dalawang beses ang makakaengkuwentro sa quarterfinals.

Ang Gin Kings ay sumasandig kina Gregory Slaughter, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, LA Tenorio at Chris Ellis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending