Daniel Matsunaga permanent resident na sa Pinas
In-announce ng Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga kahapon sa KrisTV na isa na siyang permanent resident sa bansa. Bukod dito pati raw ang sister niyang model din na si Vanessa ay nag-aayos na rin ng mga papeles para maging Filipino resident.
At ngayong permanent resident na siya ng Plipinas, susunod daw na aayusin ni Daniel ay ang pagiging naturalized Filipino citizen.
Kung matatandaan nangako si Daniel na aayusin ang kanyang mga dokumento para maging isang tunay na Pinoy matapos manalo sa PBB All In.
Aniya, “I’m planning to bring my whole family here. I want to stay here for the rest of my life. I’m just waiting for my father to retire from his job. He said maybe after two years.”
Sinabi rin ni Daniel na malapit na ring ayusin ang mga papeles ng kanyang kapatid na lalaki para dito na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.