Bahay nina Meg Imperial 2 beses ninakawan | Bandera

Bahay nina Meg Imperial 2 beses ninakawan

Ervin Santiago - December 02, 2014 - 03:00 AM

meg imperial
NAGDESISYON na ang pamilya ng Kapamilya actress na si Meg Imperial – sa ibang lugar na sila magse-celebrate ng Pasko dahil nga sa nangyaring panloloob sa bahay nila last week nang dalawang beses.

Ayon kay Meg, hanggang ngayon daw ay natatakot pa rin siya at ang kanyang pamilya matapos ang insidente. “Sa Baguio kami mag-holidays with my family para ma-relax naman ako kasi medyo stressed kami the past days sa mga nangyayari sa amin,” ayon sa aktres sa interview ng ABS-CBN.

Kuwento ni Meg, dalawang beses nga pinasok ang kanilang bahay, noong Lunes at nitong Linggo, “At first hindi namin napansin. Akala namin naiwan lang na naka-open ang gate.

Tapos the following day, bumalik (ang magnanakaw). ‘Yung bag naman ng mom ko ang nawala. Naiwan niya ang bag sa area ng kapitbahay namin tinangay ang pera at identification cards.”

Posible raw kilala ng pamilya ni Meg ang nanloob sa kanilang bahay, “Pinapa-investigate na siya ngayon, naka-file na ang report kung ano nangyari pero hanggang ngayon wala pa rin.

Sana maayos na. Nakakatakot kasi parang kabisado na niya bahay naming at mga tao doon. “Parang naobserbahan na kami ng matagal.

Nakakagulat kasi maaga siya pumasok, mga 11 p.m. ng gabi siguro iyun, kaya mom ko lang ang nakuhanan niya ng gamit. Kasi ang mom ko madalas sa salas natutulog kaya ‘yung bag ng mom ko ang nakita,” chika pa ng aktres sa nasabing TV interview.

Kahit na nagpalit na ng lock ng bahay at lagi nang may taong naiiwan sa kanilang tahanan, mas mabuti na raw na sa ibang lugar muna sila mag-spend ng Christmas holidays para iwas stress na rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending