Derek Ramsay iiwan na ang TV5, balik-ABS-CBN? | Bandera

Derek Ramsay iiwan na ang TV5, balik-ABS-CBN?

Cristy Fermin - December 01, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay
Kalat na ang balita na mula sa TV5 ay babalik na uli sa ABS-CBN si Derek Ramsay. Nakagugulat ang kuwento dahil nu’ng nakaraang Huwebes lang nang gabi ay kasama si Derek sa mga bagong programa ng Singko na ipalalabas sa 2015.

Hindi kami masyadong pribado tungkol sa kontrata ng hunk actor sa TV5, pero parang hindi mangyayari ang sinasabi ng balita, dahil may mga parating pang proyekto sa TV5 si Derek.

Kung sa ngayon lang ay hindi pa ‘yun posible, may mga nakatakda pa siyang gawing programa sa TV5, pagkatapos pa nu’n puwedeng maganap ang pagbabalik niya sa Dos.

Matindi ang ibinalik ng Dos kay Derek nang lumipat siya ng network, tinatanggal ang kanyang pangalan at mukha sa mga posters kapag ipino-promote ng kanyang mga kasamahan ang pelikula nila sa alinmang show ng ABS-CBN, hindi ganu’n kadaling kalimutan ang ganu’ng pamemersonal ng network sa kanilang dating artista.

Ewan kung limot na ni Derek ang mga ginawa sa kanya ng Dos, kung kilala nga namin ang prinsipyong pinaiiral ng hunk actor, parang napakaaga pa para magbalik siya sa istasyong nanakit nang todo sa kanyang damdamin.

Maganda ang pagtrato sa kanya ng TV5, pati ang kanyang talent fee sa network ay espesyal din, tingnan na lang natin kung ano ang magaganap sa mga susunod na panahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending