One on One with Rocco Nacino: New Prime Time King ng GMA 7
AMINADO ang Kapuso leading man na si Rocco Nacino na insecure siya noon sa kanyang kulay at height. Akala niya hindi tatanggapin ang tulad niya sa mundo ng showbiz.
Pero nagkamali raw siya, sa katunayan, ang kanyang height at ang pagiging kayumanggi niya ang naging daan para mapunta sa kanya ang ilang malalaking proyekto para maibandera niya sa buong undo ang kanyang galing sa pag-arte.
Bumisita si Rocco sa BANDERA kamakailan at dito nga namin siya nakapanayam tungkol sa kanyang career at personal na buhay, kabilang na nga ang mas gumaganda pang relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Lovi Poe.
BANDERA: Kumusta ka na? Anong mga bagong pinagkakaabalahan mo ngayon?
ROCCO NACINO: So far, still the same, Sunday All Stars, tapos Hiram Na Alaala, pero come December may gagawin akong indie film and on January, another indie movie. So December to January magiging busy ako sa indie.
‘Yung first in the works na, ang title ‘Balot Country’ to be directed by Paul Sta. Ana, one of the producers si direk Brillante Mendoza. Tapos tumutulong naman ako sa production.
I met with them, nakakatawa kasi tinatanong nila ako kung sino ang gusto kong makasama, pero I told them, mas maganda ‘yung ma-surprise na lang ako, that makes it kasi more challenging.
B: Anong magiging role mo sa ‘Balot Country’?
RN: Isa ako sa dalawang lead stars, ano siya, tagapagmana ng balot farm, tapos mami-meet niya ‘yung caretaker at doon magsisimula ‘yung kuwento, kung paano mababago ‘yung buhay niya, ‘yung mga hardships na haharapin niya bilang tagapagmana. It’s a touching story.
B: Paano mo naman ire-rate ang takbo ng career mo ngayong matatapos na ang 2014, from 1 to 10, 10 is the highest?
RN: Probably, 9. Kasi ang daming opportunities na dumating this year. May movies, then ito ngang Hiram Na Alaala na talagang kinakarir ko, naming lahat, si Dennis (Trillo), si Kris (Bernal).
Nag-train pa talaga kami sa PMA in Baguio para maging makatotohanan ang bawat eksena. At dahil nga sa mga projects na ito, matutupad ko na ‘yung promise ko sa family ko.
We’re going out of the country next year, sa April, 2015 para magbakasyon. And I’m looking forward to that kaya ganadung-ganado akong magtrabaho ngayon. That’s why it’s a 9.
B: May mga hindi ka ba nagawa ngayong 2014 na balak mong ituloy next year?
RN: Business venture, medyo na-delay lang dahil medyo busy nga ngayon. Meron na kaming Elorde Boxing Gym sa Ortigas at Marcos Highway, then itong Elorde Boxing Championship Promotions, tapos ito ngang bubuksan naming food business.
B: Paghahanda na ba ito sa future n’yo ni Lovi Poe?
RN: Yeah, kasama na rin ‘yun. Siyempre nasa marrying age na ko, ‘yung mga pinupuntahan ko ngang events puro wedding. Lahat ng mga kaibigan ko humihirit na sa akin, kelan naman daw ako.
Sabi ko, it’s not yet in my priorities, hindi rin naman kasi kami nagmamadali, ine-enjoy ko muna kung anong meron ako. Tsaka gusto kong mag-ipon nang mag-ipon muna para hindi ako sasabak na hindi handa.
Gusto ko pag may asawa na ko, wala na kaming poproblemahin.
B: Kumusta na ang relasyon ninyo ni Lovi?
RN: It’s great, it’s wonderful. Masayang-masaya.
B: Blooming si Lovi ngayon at kitang-kita na happy siya sa piling mo?
RN: Ibig sabihin du’n sa pagiging blooming niya ngayon ay dahil sa akin? E, di nakakatuwa naman. Kasi kami ni Lovi, we started out as friends, maganda talaga ‘yung foundation ng pagsasama namin, then from there it bloomed.
Ganu’n kami ka-supportive with each other at kung gaano namin nai-inspire ang isa’t isa. Alam mo ‘yun, nakikita mo ‘yung good influence sa isa’t isa.
And I also take advice from her as an actress. So give and take ang relasyon namin.
B:Sabi nga ni Lovi sa last interview namin sa kanya, parang magaan lang ang relasyon ninyo, cool lang, walang ‘sakalan’ factor, paano mo name-maintain ‘yung ganu’n bilang boyfriend, ‘yung hindi maging possessive or demanding?
RN: May times naman na I get jelous but in a cute way naman. Sinasabi ko sa kanya, wag na lang pag-awayan, pagtawanan na lang natin.
At ang gusto ko sa kanya, meron siyang ibinibigay na time para sa mga friends niya, at ganu’n din ako, para hindi lang umiikot ‘yung mundo namin sa isa’t isa.
May life ka pa rin kahit hindi tayo magkasama. Respeto lang naman ‘yan, di ba? Pero nag-eenjoy din ako pag minsan lumalabas kami kasama ang friends niya tsaka ‘yung mga kaibigan ko, ang nangyayari lumalaki ‘yung circle of friends namin, gumaganda ‘yung bonding.
B: Sino ang mas seloso sa inyo ni Lovi?
RN: Pareho lang. Pero hindi ‘yung selosan na ano…like nu’ng nasa Europe kami tapos may tumitingin sa kanya, sasabihin ko, ‘Pigilan mo ko, susugurin ko yan,’ ‘yung mga ganu’n lang.
Wala pa kaming matinding away kasi mataas ang respeto namin sa isa’t isa, and we go to church together. Ang maganda du’n walang pumilit, parang nagkayayaan lang, tapos tuluy-tuloy na ‘yun.
B: Ibig sabihin hindi kayo nag-aaway?
RN: Nag-aaway din naman. Petty quarrels, sometimes serious things. Pero kasi kami, kapag may problema, just let it out, pag-usapan natin agad, pero wag tayong aabot sa nagsisigawan.
I always tell her to talk things out as adults. So, ‘yun, sasabihin na lang niya, ‘Oo nga, sige.’ Ha-hahahaha! Agree naman siya.
B: Paano mo ide-describe si Lovi as a girlfriend?
RN: She’s sweet in her own way, she always says na natutuwa siya sa akin, dahil lagi ko siyang napapatawa, hindi niya alam ganu’n din siya, grabe rin mag-joke yun, as in ‘yung napapautot na ko sa katatawa.
Ha-hahaha! She’s very caring, malambing, and I’m really happy ba ako ‘yung taong nakaka-experience nu’n.
B: Nai-imagine mo na ba this early na mag-asawa na kayo ni Lovi?
RN: I’m praying, sana. Hopefully. Tsaka, sinabi ko rin sa kanya na malaki ang ipinagbago ko nu’ng maging kami, I don’t go out that much anymore, I prefer yung, end the day with her.
Kapag tinatanong din naman niya ako, I always tell her na sana ikaw na talaga.
B: So, napag-uusapan n’yo na talaga ang kasal?
RN: Oo, may times. But we always end up checking our priorities, nasa peak din siya ng career niya. Ang dami niyang trabaho, so I don’t want to spoil it, pero gusto ko bago kami pumunta sa next level, marami na kaming na-fulfill sa bucket list namin.
Kaya siguro matagal-tagal pa ‘yan. Mga five years pa siguro. Nagtutulungan kami para ma-achieve namin ‘yung goals namin.
B: Gusto mo ba ng maraming anak?
RN: Hindi, e, gusto ko mga apat lang, siya tatlo lang daw. Pero niloloko ko siya, sabi ko gusto ko 15, tapos sasabihin niya, ’Ano ’to aso lang?!’ Ha-hahaha!
B: Anu-ano ayung mga natutunan mo sa Hiram Na Alaala bilang aktor? Sabi mo nga ito na yung pinaka-challenging na proyekto para sa iyo?
RN: Alam mo, last night nga, isa sa mga writers namin dumalaw sa set, I was really touched sa mga sinabi niya after niyang mapanood yung ilang mga eksena ko, he told me, ‘Very good Rocco.
That’s what I really want to see.’ So, tuwang-tuwa ako dahil coming from him, di ba? Personally, nag-thank you ako sa kanya kasi kailangan namin ‘yung mga ganu’n, mas ginaganahan kaming magtrabaho pag may nagsasabi ng ganu’n sa amin.
Actually, hindi nga ako nakatulog that night. Ha-hahaha! And I learned na kaya pala nila ako binibigyan ng mga ganito kabibigat na eksena is because may tiwala sila na I can pull it off.
And it makes me more humble. Mas na-challenge ako, naging mas motivated sa character ko. Happy ako kasi naging maganda ang resulta ng paghihirap namin.
B: May nagsasabi na ngayong magpapakasal na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera, at mukhang ikaw daw ‘yung nandu’n na sa level na pwedeng sumunod sa yapak niya, tingin mo ba kayang-kaya mong makuha ang titulong GMA Primetime King?
RN: Walang masama kung mangarap ka, or mag-hope. But don’t expect, kasi ‘yan ang isa sa mga panuntunan ko sa buhay, you can always dream or hope pero wag kang mag-expect.
Pero nakakatuwa na marinig ‘yung mga comments na ganyan, at kung mangyari nga, nakaka-humble dahil hindi naman lahat nabibigyan ng ganu’ng opportunity, ng ganu’ng title.
Pero tingin ko marami pa akong kailangang pagdaraanan bago ko marating ang status ni Mr. Dingdong Dantes. I hope na umabot din ako sa ganyan. Ipinagdarasal ko rin, but I’m not complaining, happy naman na ako sa kung anong meron ako ngayon.
B: O baka gusto mong bagong title na lang dahil kay Dingdong na ang Primetime King, si Dennis naman tinawag na GMA Drama King?
RN: You know what, sabi ko nga, puro drama ‘yung ginagawa ko, nalinya talaga ako rito. Tapos ‘yung iba mga totoong tao pa ang ginampanan ko, from Pedro Calungsod, then ‘yung Burgos, naging Rizal din ako, may Ibong Adarna.
So, titingnan mo parang…the actor that plays dead people. Ha-hahaha! Di ba? Biro nga nila sa akin, ako na ang may title na ‘The Dead Actor’. Ha-hahaha! Joke lang naman nila sa akin ‘yun.
I always tell them na hindi biro ang gumanap ng mga totoong tao, you have to study hard para mabigyan mo sila ng justice. Kasi totoong tao sila, hindi sila imagination or kathang-isip lang. Kaya dapat bawat kilos, bawat dialogue, maibigay mo nang tamang-tama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.