Mula sa libo-libong sumubok galing sa bawat sulok ng Pilipinas, apat ang natira.
Kaninong bitwin ang pinaka-magniningning?Tatlong linggo nang namamayagpag sa tuktok ang Shining Star na si Rocelle Solquillo ng Bacolod.
May makakasungkit pa kaya ng kanyang korona? “Masaya ako na ako ang Shining Star, kaya lang nakakatakot dahil nakatutok ang lahat sa akin,” sabi ni Rocelle. “Ipapagpatuloy ko lang ang pagbigay ng best ko para maging proud sa akin ang pamilya
Ang kanyang kapwa taga-Bacolod na si Lee’Anna Layumas ay kanya ring mahigpit na katunggali, lalo na sa na mala-anghel nitong boses. Magkalaban mula pa lang sa mall show para sa mga regional finals, laging pumapangalawa si Lean.
“Sana ma-move ang mga tao sa performance ko,” aniya. Ito na kaya ang pagkakataon niyang manalo? Si Remy Luntayao ng Laguna ay mas lalo pang nahahasa bilang isang total performer, at nakikita ito habang tumatagal siya sa kompetisyon.
Ayon sa kanya, “Sinasabihan ako dati na hanggang bahay o barangay lang ako, pero nandito na ako ngayon. Proud ako na napatunayan kong kaya ko, at sana magpatuloy lang.”
Ang 13 anyos na si Krezia Toñacao naman, habang tinataguyod ang musikang Pilipino, ay tuluyang pinapakita na walang kinalaman ang edad sa angking galing.
“Bibigay at ipapakita ko lang puso ko sa kanta ko, na sana rin ay maparamdam ko sa lahat.” Daan-daang audition, sampung episode, iisang magwawagi.
Sino ang magiging kauna-unahang kampyon ng RisingStars Philippines? Ano pa kaya ang matutulong ng mga hurado na sila Papa Jack at Jaya? Sa huling pagkakataon, samahan sila Ogie Alcasid, Venus Raj, at Mico Aytona ngayong Sabado, Mayo 23, 10PM sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.