Xian bano pa ring umarte; Kim may ‘K’ manalong Best Actress | Bandera

Xian bano pa ring umarte; Kim may ‘K’ manalong Best Actress

Jobert Sucaldito |November 30,2014
facebook
share this

Xian bano pa ring umarte; Kim may ‘K’ manalong Best Actress

Jobert Sucaldito - November 30, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
INIYAKAN daw ni Kim Chiu ang isyu na kesyo binili niya ang kaniyang Best Actress trophy sa nakaraang PMPC Star Awards for TV because she felt that after doing eight teleseryes ay nag-grow naman siya as an actress.

Kumbaga, she felt that hinog na naman siya talaga na manalo against some big names sa ating industry. Hiningan daw niya ng moral support ang kaniyang ka-loveteam na si Xian Lim – she asked him kung sa tingin daw ba niya (Xian) ay hindi siya marunong umarte.

Siyempre, kinomfort naman siya ni Xian at sinabing wala siyang dapat ipag-worry dahil at the end of the day ay siya pa rin ang may hawak ng trophy at hindi na nila mababawi iyon sa kaniya.

Siyempre, natawa kami sa reaction ni Xian dahil coming from someone na very unpopular to us dahil sa sobrang kamalditahan parang hindi mag-sink in na nagbibigay siya ng advice sa kaniyang screen sweetheart.

Ha-hahaha! Coming from a bano actor like him, lalo itong naging comedy. Pero sabi nga namin, baka nga deserving na rin si Kim to win kasi matagal na siyang nahasa sa acting.

Sensiya na ha, hindi kasi namin nasubaybayan ang Ikaw Lamang na in fairness ay sobrang toprated talaga. Busy kami kasi tuwing umeere sila dahil halos kasabay ng “Mismo” program namin ito sa DZMM.

Pero wala kaming qualms sa pagkapanalo ng partner niyang si Coco Martin who won Best Actor dahil matagal na kaming aware that he is truly a very good actor.

“Binayaran nga ba ni Kim ang award niya? Sino ang mga kausap nila sa PMPC? Matagal na kasing isyu iyan sa Star Awards, na meron talagang bayaran.

Hindi lang si Kim ang naiisyu this season, meron pa raw female celebrity na nangako na iti-treat ang ilang mga taga-PMPC for trips abroad. “Marami na raw kasing pera ang female winner na iyon.

Kaya hindi dapat umiyak pa si Kim dahil mas malaki ang gagastusin ng isang nagbayad din katulad niya,” pagtataray ng isang writer. Wait lang! Para mo namang kinukumpirmang nagbayad nga si Kim para manalong Best Actress.

Hindi mo ba narinig ang sinabi niya na kung nagbayad siya to win dapat daw noon pa. Pero hindi nga raw niya ginawa kaya huwag naman daw sana kayong mapanghusga.

“Ano raw? Na kung magbabayad siya sana noon pa? Natural na hindi niya gagawing magbayad before dahil mas lalong mahahalata. Aning ba siya? Natural na right timing kung magbabayad siya this time dahil nga sa matagal na siyang nag-aartista.

Tsaka maganda ang Ikaw Lamang, kumbaga, pasok sa banga kung ipapanalo na siya. Lalo pa’t may bayad, di ba?” reaksiyon ng writer na pinagtatawanan ang paiyak-iyak ni Kim sa TV.

Hay naku, iyan ang mahirap sa ganitong mga award-giving bodies. May mangilan-ngilan kasi sa grupong iyan na talagang sugapa sa dahtung kaya nadadamay ang mga  inosente nilang mga kasamahan sa club.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasisira tuloy ang buong club sa gawa ng mangilan-ngilan. Hindi na naman bago sa amin ang isyung iyan, it has always been there. Agree?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending