Nasa ibang bansa ang magandang kapalaran | Bandera

Nasa ibang bansa ang magandang kapalaran

Joseph Greenfield - November 30, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joshua ng Magkiangkang, Bayuga, Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po ako natatanggap. Minsan ay nagka-trabaho na ako kaya lang contractual lang kaya hindi din ako na-regular. Kailan kaya ako magkakaroon ng permanente at regular na trabaho? Tapos po ako ng kursong Accountancy, kaya lang lagi nga pong hindi related sa course ko ang mga napapasukan ko. Sa palagay nyo sa taon kayang 2015 magiging maganda na kaya ang kapalaran ko sa larangan ng career at kung magtatagumpay kaya ako sa career kong ito. Balak ko rin pong kumuha ng CPA board exam, kung kukuha ako sa 2015 may pag-asa kaya akong makapasa at maging isang CPA? October 15, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Joshua ng Agusan  del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at magandang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sa ibang bans aka mag-aaplay ng trabaho, mas malaki ang tsansa na doon ka umunlad at umasenso, kaysa magpakahirap kang mag-apalay sa mga local companies na wala naming magandang future dahil sa sobrang liit ng suweldo.
Cartomancy:
Ace of Clubs, Five of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sisimulan mo ng mag-aplay sa abroad ngayong taong ito ng 2014 hanggang sa taong 2015, tiyak ang magaganap, sa kalagitnaang ng taong 2015, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending