Eugene papayag lang makasama sa pelikula si Jose sa isang kundisyon…
PATOK na patok ngayon sa mga Pinoy ang bagong loveteam ng Kapuso network – ang JoGe. Ang tinutukoy namin ay ang tambalan nina Jose Manalo at Eugene Domingo sa comedy game show na Celebrity Bluff.
In fairness, kahit kami ay talagang enjoy na enjoy sa batuhan ng punchlines nina Jose at Uge sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi, bukod kasi sa tawa na kami nang tawa sa mga kalokahan nina Uge at Jose kasama ang kanilang mga Gangnam ay may natututunan pa kami sa mga tanong at trivia ng show.
Tama rin ang sinabi ni Uge nang makachikan namin siya sa taping ng show noong Miyerkules sa GMA studio na naging bonding time na ng pamilyang Pinoy ang panonood sa Celebrity Bluff dahil kahit kami ay nae-experience ito. As in talagang automatic na sa family namin ang mag-ipon-ipon sa sala para tumutok sa show.
Anyway, going back to JoGe loveteam, marami ang nagtatanong kung nagkadebelopan na nga ba ang dalawang komedyante dahil kapag napapanood nila ang Celebrity Bluff ay parang may something na talagang namamagitan sa kanila. Nang tanungin sila tungkol dito ay puro patawa lang ang isinagot ng dalawa.
Inamin naman ni Uge na bilib na bilib siya sa galing ni Jose bilang comedian, “He moves very well, he’s very talented, he’s naturally funny so he’s appealing…He shines. Tsaka he’s a thinking comedian, pero mabilis mag-isip. Kaya siguro nag-click din kami kasi first time akong magkaroon ng straight guy na kabatuhan.
“Kasi usually mga stand-up comedian, di ba? So, ito lalaki naman, kaya bago sa manonood. Hindi ko na nga maalala kung kailan nagsimula yung pagtukso sa amin. Basta dumating na lang. Kaya nagpapasalamat ako sa mga vierwers dahil tinanggap nila yung partnership namin ni Jose,” sabi pa nito.
Okey din daw kina Jose at Uge na gumawa ng sitcom para sa GMA 7 dahil mas mapapalawak pa nila ang reach ng kanilang tandem. Pero sa paggawa naman ng movie may kundisyon daw si Uge, “Kailangan magpaayos muna siya ng mukha kasi sa big screen laging close up yun, baka instead na mag-focus sila sa eksena namin, magbilang na lang butas (sa face), di ba?”
Samantala, sinabi ni Uge na ayaw na muna niyang gumawa ng pelikulang drama tulad ng huli niyang movie na “A Barber’s Tale”, mas gusto niyang puro comedy na lang dahil ito raw ang kailangan ng mga Pinoy ngayon para mas gumaan naman ang pakiramdam ng publiko sa gitna ng mga problema.
Mas gusto rin daw niyang gumawa ng pelikula na papasukin ng mga tao, yung matutuwa ang mga producer at makagagaan sa dinadalang suliranin ng mga Pinoy, “Tsaka pag drama nadadala mo rin sa tunay na buhay, e. Bumibigat din yung feelings mo. Pag comedy kasi, nakaka-good vibes lang. Parang ang sarap sa pakiramdam hanggang pag-uwi mo, light na light lang ang emote.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.