Talk ‘N Text dinurog ang Barako Bull | Bandera

Talk ‘N Text dinurog ang Barako Bull

Melvin Sarangay - , November 24, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Globalport vs San Miguel Beer
7 p.m. Rain or Shine vs NLEX

TUMIRA ang Talk ‘N Text ng 18 3-pointers para durugin ang Barako Bull, 122-106, sa kanilang 2014-15 PBA Philippine Cup out-of-town game kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Kumamada si Jason Castro ng 26 puntos habang si Jimmy Alapag ay nagdagdag ng 14 puntos para pamunuan ang walong Tropang Texters na umiskor ng double digits. Ang dalawang beteranong guwardiya ay pareho ring tumira ng apat na triples.

Sina Ranidel de Ocampo at Larry Fonacier ay nag-ambag naman ng tig-13 puntos para sa Talk ‘N Text.

Galing sa masakit na 105-97 pagkatalo buhat sa Globalport Batang Pier noong nakaraang Martes, ibinuhos ng Talk ‘N Text ang galit nito sa Barako Bull, na hindi nagawang masundan ang impresibong panalo noong Miyerkules kung saan pinalasap nila sa Alaska Aces ang unang pagkatalo.

Ang Talk ‘N Text, na tumira ng halos 51 porsiyento mula sa field, ay maagang uminit sa laro at itinayo ang 73-48 bentahe sa pagtatapos ng first half kung saan pumukol sila ng siyam na 3-pointers.

Ang Talk ‘N Text ay umangat sa 5-3 kartada habang ang Barako Bull ay nahulog sa 2-6 karta.

Si Paolo Hubalde ay kumana ng 19 puntos para pangunahan ang Energy, na naputol ang two-game winning streak.

Sa ikalawang laro, nakalusot ang Purefoods Star Hotshots sa Meralco Bolts, 77-74, para itakas ang ikatlong sunod na pagwawagi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending