Malu Sevilla mas ‘dinugo’ sa Ikaw Lamang kesa sa JDC | Bandera

Malu Sevilla mas ‘dinugo’ sa Ikaw Lamang kesa sa JDC

Reggee Bonoan |November 23,2014
facebook
share this

Malu Sevilla mas ‘dinugo’ sa Ikaw Lamang kesa sa JDC

Reggee Bonoan - November 23, 2014 - 03:00 AM

malu sevilla
Speaking of direk Malu Sevilla, abala siya ngayon sa taping ng Christmas serye ng ABS-CBN na mapapanood simula sa Disyembre.

Ang bida sa ginagawa niyang episode ay ang real life partners na sina Gerald Anderson at Maja Salvador, hindi pa namin alam kung anong titulo nito pero eere ito ng dalawang linggo na tatapat mismo sa araw ng Pasko.

Nabanggit ng direktor nang maka-tsikahan namin kamakailan na natatawa siya kina Maja at Gerald dahil nagkakahiyaan daw sila sa una nilang mga eksena, “Talagang nahihiya sila, inabot nga ako ng take 2 o 3, nate-tense sila kasi nga first time nilang magkasama. But they were good.”

As of now ay wala pang alam si direk Malu na next project niya pagkatapos ng top rating show na Ikaw Lamang pero kung siya raw ang masusunod, gusto muna niyang magpahinga o magbakasyon kahit dalawang linggo lang, “Gusto kong pumunta ng States, kasi I have to use my visa mag-e-expire na sa 2017, e, baka hindi ko na ako i-renew ulit.

Kaya sana matuloy,” kaswal na sabi ng direktor sa amin. Napag-usapan namin ang kakatapos na seryeng Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu, sabi ni direk Malu ito raw ang pinakamahirap niyang proyekto.

“Akala ko Juan dela Cruz na kasi fantaserye, e, hindi pala, itong Ikaw Lamang pala kasi sobrang hirap, detalyado kasi lahat. Ang hirap ng switching mula sa period time hanggang present, lalo na ng mga characters.

“Like si Papa Bo (Christopher de Leon), imagine, inaral niya talaga si Jake Cuenca bilang Franco, mula sa mannerisms hanggang sa pananamit ni Jake.

“Si Amy (Austria) talagang nag-diet din kasi nga need niyang pantayan si Kim sa past, e, na okay lang sana na tumaba siya ng konti kasi present na at may anak na, e, may Mylene Dizon na sobrang sexy, so paano mo hahabulin ‘yun na may gusto kay Boyet tapos ang gusto si Amy pa rin,” ani direk.

Bilib din siya kay Jake, “Kung sa iba kasi ibinigay ‘yung rle na ‘yun, baka hindi kayanin kasi lalamunin talaga siya ni Coco, e, ang galing ni Coco, di ba? Kaya si Jake ang katapat niya talaga,” tugon ni direk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending