May lunas ba ang adiksyon? | Bandera

May lunas ba ang adiksyon?

Dr. Hildegardes Dineros - November 21, 2014 - 03:00 AM

MAY pag-asa pa bang maging maayos ang buhay ng isang adik?  Ano nga ang katuturan ng buhay?
Kailangang maintindihan muna ito dahil kung walang pagpapahalaga sa buhay, wala ring gagawing positibong paraan para maisaayos ito.
Ang mga sumusunod ay siyang dapat sundin para maibalik ang nasirang buhay ng isang adik.

TOTAL WITHDRAWAL
Sa pamamagitan ng rehabilitation, ang isang adik ay sapilitan na ihihiwalay sa kanyang kinagigiliwang adiksyon.
Wala siya sa wasto na pag-iisip habang siya ay nasa impluwensya ng bagay na nagpapalawak ng kanyang  adiksyon.
Kaya dapat ang mga kamag-anak, kaibigan o ang may otoridad ay dapat magbigay ng desisyon na ilagay siya sa rehabilitation.
Kinakailangan na mawala muna sa katawan ng taong adik  ang mga kemikal na nagbibigay ng masamang epekto sa kanya.

CONVERSION
Ang pagbabago ng pananaw, pag-uugali at gawain ay mangyayari lamang kapag ang kaisipan ay tutuon sa mas mataas na kaisipan ng Diyos, ang tamang espiritwalidad.
Kapag hindi nasamahan nito ang rehabilitation, malamang na babalik uli ang adiksyon dahil hahanap-hanapin ng taong adik ang kaligayahang idinudulot ng adiksyon sa kanya.
Kapag pinayagan natin na dumaan sa atin ang positibong enerhiya na galing sa Poong Maykapal, tayo po ay gagaling at babangon mula sa ating  karamdaman.

EXCHANGE of DEEDS
Ang isang “idle mind” o kaisipan na walang laman ay madaling pasukan ng negatibong enerhiya o impluwensya. Kailangan na may matutuhan na mga bago at positibong kaalaman para may mga positibo, makabuluhan at masaganang gawain.

GUARDING NEWFOUND SELF
Hindi lang dapat matigil ang adiksyon kundi patuloy na bantayan ang sarili upang maiwasan ang mapalapit sa tukso.

GO FOR TOTAL HEALING (Body, Mind, Spirit)
Ang pagtutugma ng kaisipan sa tamang espiritwalidad ay magdudulot ng lakas, kalusugan at buhay na maayos sa pisikal na katawan.

Mag-isip ka, kaibigan. Kalusugan mo ang nakasalalay, pati na ang iyong pamilya.  Kaya labanan ang adiksyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending