Daniel gigil na gigil kay Kathryn: Gusto niya lagi akong pinipisil! | Bandera

Daniel gigil na gigil kay Kathryn: Gusto niya lagi akong pinipisil!

Julie Bonifacio - November 17, 2014 - 03:00 AM

kathryn bernardo
Thankful din si Kathryn Bernardo sa pagtitiwala sa kanya ng mag-asawang Lester and Rosette Pimentel for renewing her contract bilang endorser ng Rice In A Box. Three years na siyang endorser nito.

Halos magkasabay na umangat ang career ni Kathryn at ng RBX.“Actually, before na i-offer ‘yung fastfood, parang sinabi na namin na, nauna. Nauna ‘yung RBX sa kanila, so, ‘yun.

Mabait naman po silang kausap kaya kinonsider nila na kahit mayroong rice at merong ibang food, na-realize naman nila na iba ‘yung market  ng fasfood. What’s important ay pumayag po ‘yung both parties.

So, ngayon, happy po pareho sila,” pahayag ni Kathryn. Hindi na naman pinakawalan si Kathryn ng press para tanungin ang mga controversial issues sa kanila ni Daniel Padilla.

Una na nga ang kissing photo nila na kumalat sa social media. “Sa aiport po ‘yun kuha, somewhere in Canada. E, mahilig si DJ pinipisil ang mukha ko. Inaasar niya kasi ako sa cheeks ko.

May mga tao kasi na naghatid sa amin sa airport. Nakita mo na ‘yung ibang fans na andoon sila para last nila kami makita. So, nag-picture sila siguro noong pinipisil ni DJ ‘yung face ko na na-sakto, parang na-block ‘yung face ko.

Kapag makikita mo picture, parang mukha talaga siya na kiniss ako ni DJ,” esplika ni Kathryn. E, ‘yung mga yakapan at akbayan nila ni Daniel? “Akbay normal lang naman ‘yan.

Si DJ kasi kahit sino aalalayan niya, gusto niya parating may kahawak na ganyan. Clingy siya talaga sa mga ganyan. So, ‘yun lang, very comfortable po kasi kami.”

Then, inilabas din niya ang naramdaman noong kumalat ang audio scandal ni Daniel. “Siyempre ano noong nalaman ko parang nagulat ka lang, or ano. Pero naayos na naman, e.

Importante sa akin na marami kaming natutunan sa  nangyari and feeling ko naman pinlano naman ‘yun ni God kung bakit nangyari? Basta ngayon ayos na. Ah, masaya na ulit,” aniya pa.

Nagtampo raw talaga siya kay Daniel noong lumabas ang audio scandal nito. “Normal lang naman ‘yon. Kung paano ninyo maririnig, kung mangyari sa inyo ‘yon, ganoon din po siguro ‘yung naramdaman ko.

Pero inayos naman ni DJ, si Tita Karla (Estrada), nakita mo na lahat sila, in-insure ako kung ano talaga ‘yung nangyari. And of course, naniwala naman ako sa kanila and tiwala naman ako kanila. O, yeah, masaya na. Okey na po.”

Kung ‘yung mga fans nga raw naapektuhan siya pa ba ang hindi na directly involved sa audio scandal ni Daniel? “Parang ganoon lang din, parang kahit sino’ng mai-involve sa ganoon, magugulat ka rin,” diin pa ni Kathryn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At least, nagpakatotoo si Kathryn, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending