Nash Aguas, Alexa Ilacad bibinyagan na sa 'Bagito' ng Dos | Bandera

Nash Aguas, Alexa Ilacad bibinyagan na sa ‘Bagito’ ng Dos

Ervin Santiago - November 17, 2014 - 03:00 AM

nash aguas
Kahalagahan ng wastong paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak ang ibabahagi sa viewers ng Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa kauna-unahan nilang primetime teleserye sa ABS-CBN na Bagito na mapapanood na simula ngayong gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Ang Bagito, na hango sa Wattpad series na isinulat ni Noreen Capili, ay iikot sa kwento ni Drew (Nash), isang binatilyo na maagang haharapin ang responsibilidad ng pagiging isang ama dahil sa isang malaking pagkakamali.

Paano magbabago ang buhay ni Drew at ng kanyang mga mahal sa buhay sa pagdating ng kanyang anak? Handa na ba siya na talikuran ang buhay ng isang bata at harapin ang hirap ng buhay bilang isang binatilyong ama? Ano bang mahalagang gagampanan ng mga magulang ni Drew sa pagsuong niya sa “totoong mundo?”

Bukod kina Nash at Alexa bahagi rin ng powerhouse cast ng Bagito ang Kapamilya teen star na si Ella Cruz at ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera at Angel Aquino.

Kasama rin sina Paolo Santiago, Alex Diaz, at ang mga miyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia.

Ito ay sa direksyon nina Onat Diaz at Jojo Saguin, at sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang pagsisimula ng pinakabagong teleserye na magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, Bagito, tonight sa Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending