'Ayaw naming manalo si PACO sa PBB' | Bandera

‘Ayaw naming manalo si PACO sa PBB’

|March 31,2012
facebook
share this

‘Ayaw naming manalo si PACO sa PBB’

- March 31, 2012 - 03:00 PM

Speaking of PBB Unlimited, si Divine ang huling-huling housemate na napaalis sa loob ng Bahay ni Kuya.

Hindi kasi nagtagumpay sa kanyang one shot for the big slot si papa Slater kaya ang chance sanang mapasama ang lahat ng limang housemates ay nauwi nga sa wala.

So, ngayong gabi ay malalaman na natin kung sino kina papa Slater, Pamu, Biggel at Paco ang tatanghaling big winner ng season na ito.

My personal bet is papa Slater dahil hangang-hanga ako sa katalinuhan at pagiging cool niya.

Balita ding super yaman sa Cebu ang binatang kyut na kyut, napakalaki talaga ng pagkakahawig niya sa idol naming si Jet Lee.

Ha-hahaha! Kaya kung hindi siya pababayaan ng pamilya niya, walang dudang madali niyang makukuha ang maraming text votes.

Kayang-kaya nilang bumili ng maraming SIM card pero nakakasiguro naman kaming hindi lang sa Cebu manggagaling ang boto niya dahil gaya namin, keri din namin siyang ipanghingi ng suporta. Ha-hahaha!

Next bet namin is Pamu dahil bilang nag-iisang babae na naiwan sa laban, nakakahanga ang kanyang katatagan at katapangan.

Okey na sa amin na nandiyan si Biggel, pero personally speaking, hindi talaga namin feel na si Paco ang mag-win.

Pero alam mo kapatid na Ervin, siya ang type naming unang ma-interview.

Marami kasi akong gustong itanong sa kanya. Baka kapag narinig ko siyang sumagot ng mga tanong ko, e, magustuhan na rin namin siya nang Bongga! Ha-hahaha!

Basta, tonight sa Quirino Grandstand gaganapin ang Big Night.

First time din nila itong gagawin sa napakalaking open area diyan sa Manila at tiyak na dadagsain ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siniguro din ng mga taga-PBB sa amin na at least 30 minutes bago ang naturang big event sa Sabado ay makikiisa sila sa pag-obserba ng Eart Hour.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending