Ejay maya balak daw ligawan si Kathryn: Naku, baka patayin ako ng mga Kathniel!
Sa unang pagkakataon, nagsalita na si Ejay Falcon tungkol sa kanila ng ex-girlfriend niya na si Yam Concepcion. Ipinaliwanag ni Ejay kung ano ang nangyari sa kanila ng sexy actress noong makausap namin siya sa presscon ng Maalaala Mo Kaya.
Inunahan na agad ni Ejay ang paliwanag by admitting na may pagkakamali siya sa “pang-iiwan” noon kay Yam na nakarelasyon niya for about five months.
“Nakapag-usap kami two months ago, sa Greenbelt. Nagkita po kami. Tinawagan ko po siya kasi alam kong may pagkakamali po talaga ako. And, doon sa pagkakamali na ‘yon natututo ka naman,” kwento niya.
Pareho naman sila ni Yam na may natutunan sa pangyayari na huwag magpadalus-dalos sa mga bagay-bagay. Masyado raw kasing naging mabilis ang mga pangyayari.
Inamin ni Ejay na pangunahing dahilan ng pakikipaghiwalay niya kay Yam ay ang kanyang pamilya sa Mindoro. “Noong time na ‘yun po kasi after ng Dugong Buhay, New Year ‘yun.
Noong pag-uwi ng Mindoro, nakita ko ‘yung family ko and parang (nasabi niya sa sarili), ‘Wow! Marami pa akong obligasyon dito.’ (Pero) Hanggang doon na lang muna.
Basta nakapag-usap na po kami and okey na. Maayos na,” sabi pa ni Ejay. Nilinaw niya na walang balikang naganap sa kanila ni Yam, “Wala po, wala. At kung sino man ang magiging girlfriend ko, ‘yung next, or kung babalikan ko siya, aaminin ko na talaga sa inyo.
Magho-holding hands kami (habang) naglalakad sa ABS.” Wish din niya na ang susunod na maging girlfriend niya ay isa ring member ng Iglesia ni Cristo.
Biniro namin si Ejay kung may posibilidad ba na ligawan niya si Kathryn Bernardo na isa ring INC member, “Ano?! Papatayin ako ng KathNiel?! Ha-hahahaha!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.