Benepisyo ng ECC | Bandera

Benepisyo ng ECC

Liza Soriano - November 14, 2014 - 03:00 AM

NAGUGULUHAN po ako dahil ang pagkakaalam ko ang employer ang nagbabayad para sa Employees Compensation Commission  o ang ECC .

Isang araw ay nag –verify ako sa SSS at  may binabanggit sila na may kaltas para sa   ECC.  Tama po ba eto? Gusto ko rin po na itanong kung ano ang benefits na makukuha sa ECC.

Umaasa akong masasagot ninyo ang
aking katanungan.
Jenny dela Cruz

REPLY: Gusto ko lang linawin ang katanungan ni  Ms. Jenny, tama na ang employer ang nagbabayad  ng EC premium. Ang  ibinabawas naman ng SSS  na  employees share ay napupunta sa benefits sa ilalim ng SSS law.

Nagkataon lamang  na ang SSS ang nangongolekta nito pero ibinabawas  naman sa mga employer.

Sa iyo namang katanungan sa beneipisyo na maaaring makuha dito, sakaling maaksidente, magkasakit  o mamatay ang isang manggagawa na miyembro ng SSS o GSIS ay may kaakibat na benepisyo na maaaring makuha sa ECC ngunit kinakailangan na work related o may kinalaman sa trabaho ang sanhi nito.

Ang coverage ng Employees Compensation Program (ECP) ay nagsisimula sa unang araw ng trabaho. Ang ECP ay isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isang compensation package sa mga manggagawa o dependents ng manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko at pribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan o kamatayan.

Atty. Jonathan
Villasotto
Asst. Director
Employees
Compensation
Commission (ECC)

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?  Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City  o kaya ay mag-email  sa [email protected][email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran  sa abot ng  aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ  990AM sa  Programang Let’s Talk;  Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7  hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng  Bayan tuwing  Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending