PACMAN dedma na sa mga tsismis | Bandera

PACMAN dedma na sa mga tsismis

|March 30,2012
facebook
share this

PACMAN dedma na sa mga tsismis

- March 30, 2012 - 03:16 PM

DEDMA lang si Manny Pacquiao sa isyung meron na naman daw siyang bagong mystery girl.

Walang reaksiyon ang kampo ng Pambansang Kamao sa chika na may nakakita raw kay Pacman na may “ka-date” diumanong ibang babae sa isang sosyal na hotel.

Well, siguro nga natuto nang tanggapin ni Manny na talagang kakambal na niya ang mga intriga tungkol sa “pambababae”.

Super sikat siya at super yaman  kaya hindi maiiwasan na maintriga siyang may ibang girl.

Pero sabi nga ni Pacman sa mga interview sa kanya, talaga raw kinalimutan na niya ang kanyang mga dating bisyo at daang matuwid na ang kanyang tinatahak ngayon kasama ang Panginoong Diyos.

Anyway, lumabas sa mga balita ang tungkol kay Rowell Cruz, ang batang binaril at napatay matapos may sumubok umagaw ng kanyang PSP.

Makakapagtapos sana ngayong March si Rowell ng high school bilang valedictorian sa kanilang klase.

Ang kanyang ina na isang OFW ay dalian namang umuwi mula sa Cyprus sa tulong-pinansyal na rin ng kanyang mga kaibigan.

Ngayong Sabado sa Manny Many Prizes, inimbitahan ni Ninong Manny ang naiwang pamilya ni Rowell – ang ate nitong saksi sa pagpatay kay Rowell at ang ina nitong lubos ang dalamhati sa pagkawala ng anak.

Abangan ang tulong na ibabahagi sa kanila ni Ninong.

Samantala, makakasama din natin ngayong Sabado ang “bababaero raw” na si Randy Santiago!

Mapabilib kaya siya ng mga sasabak sa kantahan ng Boksing-a-long?!

Sa Ball Pick-Up naman ay maglalaro ang mga paborito mong mga tween idols na sina Derrick Monasterio at Ken Chan, kasama ang mga graduating high school students!

Tutuparin rin ni Ninong ang naiwang pangako sa batang si Matt Oliva, ang batang nakilala niya sa kanyang pagpunta sa Roxas, Oriental Mindoro.

Sa pagtatapos ni Matt bilang valedictorian, ay matutupad ang pangarap niyang mapaopera ang bukol sa mukha na dala niya simula pagkabata.

Isang milyong piso naman ang nag-aabang sa maswerteng maglalaro sa Easy Manny Jackpot!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lahat ng yan, ngayong Sabado sa Manny Many Prizes pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending