RAYVER CRUZ ayaw magmukhang kawawa | Bandera

RAYVER CRUZ ayaw magmukhang kawawa

- March 29, 2012 - 04:57 PM

Hindi raw talaga umaming hiwalay na sila ni Cristine  

KALIWA’T kanan ang nagtatanong sa amin tungkol sa sinulat naming hiwalay na sina Rayver Cruz at Cristine Reyes dahil hindi pa raw ito inaamin ng dalawa hanggang ngayon.

Isang beses lang sumagot si Cristine through text message sa isang entertainment blog site at itinanggi niyang hiwalay na sila, hindi na ito nasundan pa.

Samantalang si Rayver ay ilang beses na-ambush interview, at isa lang daw ang laging sagot ng aktor, hindi raw sila naghiwalay ni Cristine, at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang balita.

Ang interview ng katotong Melba Llanera ay lumabas sa isang entertainment portal at ang interview naman ng taga-The Buzz na supposedly eere noong Linggo ay hindi ipinalabas dahil hinarang daw ng Star Magic.

Pero ang interview ng TV Patrol ay hindi nagawang harangin at umere ito noong Martes ng gabi.

Nakausap din si Rayver ni Alex Gonzaga, isa sa host ng Juicy ng TV5 noong weekend kasama sina Rodjun Cruz at girlfriend nitong si Dianne Medina at ganu’n din ang sagot ng aktor, hindi sila hiwalay ni AA.

Kaya namin idinetalye ang lahat ng ito ay dahil kami ang unang nagsulat na hiwalay na sina Rayver at AA at pinaninindigan ito ng aming source.

Kaya sa bawa’t tanggi ni Rayver ay binabalikan namin ng tanong ang aming source, pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang sagot sa amin.

Heto ang paliwanag sa amin ng ilang taong nakakaalam ng tunay na score kina Rayver at Cristine, “Hindi raw sila aamin para walang isyu at hayaan na lang na mamatay ang isyu.

Sa kaso ni Rayver, ayaw niyang sa kanya manggaling dahil ayaw niyang makasakit, hahayaan muna niyang si Cristine ang magsalita.

“Pero hoping pa rin si Rayver na baka magkaayos sila kasi nga nagbitaw si AA na okay sila, so from there, ano nga naman ang dapat sagutin ni Rayver?

Kung hindi sila pareho ng sagot, e, di magmumukhang tanga si Rayver?” paliwanag sa amin.

Pero kung iaanalisa mo ang mga sinabi ni Rayver na totoong hindi sila nagkikita at hindi naiiwasang magkaroon sila ng away, sure kaming may something.

Samakatuwid, may problema talaga sila ni AA at hindi lang talaga niya maamin ang tunay na estado ngayon ng relasyon nila, baka siguro pagbalik ay nakapag-isip na ang aktor kung aamin na siya.

Nauunawaan namin ang nararamdaman ngayon ng aktor na hoping talaga siyang magbalikan sila kaya ayaw pa niyang tuldukan o aminin ang totoo kaya ang sagot namin sa mga nagtatanong tungkol sa mga sinulat namin ay maghintay tayo ng panahon dahil lalabas din naman ang totoo.

Nabawasan lang ang paghanga namin kay Rayver dahil sa kanyang pagsisinungaling.

Kung ayaw niyang sagutin ang totoo, e, di sana hindi na lang siya nagpa-interview at nakiusap na lang na ibalato sa kanya ang isyu, madali namang kausap ang mga reporters, e, di ba bossing Ervin?

Huwag lang niyang tatanggalan ng kredibilidad ang mga manunulat dahil baka dumating ang panahon na mangailangan siya ng tulong, e, hindi na siya paniwalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana naisip ni Rayver kung sinu-sino ang mga nagtatanggol sa kanya noong panahong aping-api siya sa relasyon nila ni Sarah Geronimo, ‘yun lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending