Jericho ayaw pang buntisin si Kim Jones: Mga aso muna ang magiging baby namin!
Hindi pa tapos ang honeymoon stage ng newly-wed couple na sina Jericho Rosales at Kim Jones, pero sa ngayon wala pa rin daw silang balak magka-baby agad.
Ayon kay Echo na busy ngayon sa promo ng bago niyang movie, ang “Red” na isa sa official entry sa 2014 Cinema One Originals Film Festival, mas gusto muna nilang i-enjoy ni Kim ang isa’t isa bago sila magplanong magkaanak.
“Wala pa, we can’t say kung kailan. It’s a mutual decision naman, dalawa kami. We wanna work pa. May mga gusto pang ma-achieve si Kim. Alam mo naman si Kim, she’s very hardworking, she’s an achiever.
“So, I wanna give her that freedom. And I respect her so much. And ako rin, may mga gusto pa akong gawin before kami mag-focus sa baby. For now, I don’t think handa kami.
Ang baby namin ngayon is our relationship, we’re taking care of that. “We’re learning a lot about each other so, for now, yun muna. And gusto naming mag-travel.
Mahirap mag-travel ‘pag may chikiting na, ‘pag may little Echo and Kim na na kulot,” paliwanag ni Echo na kitang-kita sa itsura ang labis na kaligayahan ngayong mag-asawa na sila ng model-host.
Sa ngayon daw, pinagpapraktisan muna nila ang kanilang mga aso, “Doon kami nagpra-practice. Ha-hahaha!” Kung fresh na fresh ngayon si Echo, blooming din daw si Kim at mas lalo pang lumabas ang natural beauty nito, “For me, mas nagiging mas maganda pa siya, mas blooming pa siya para sa akin. And my friends are telling me, ‘Oh, your wife is blooming, ha.’ Magaling akong mag-alaga,” ani Echo.
Samantala, ibang-ibang Jericho Rosales ang mapapanood sa pelikulang “Red”, action-drama-suspense ang tema ng movie na tungkol sa isang “professional fixer”. Kuwento ng aktor, abangan daw ng manonood ang huling eksena niya sa pelikula dahil dito raw talaga siya nahirapan nang bonggang-bongga.
Narito ang schedule ng screening ng “Red” sa kabuuan ng Cinema One filmfest: Sa Fairview Terraces: Nov. 11, 7:30 p.m.; Nov. 12, 5 p.m.; Nov. 14, 2:40 p.m.; at Nov. 17, 3 p.m..
Narito naman ang schedule sa Trinoma: Nov. 12, 12 noon; Nov. 14, 9:30 p.m.. Sa Glorietta naman: Nov. 12, 2:40 p.m.; Nov. 13, 9:30 p.m.; Nov. 18, 3 p.m.. At sa Greenhills Dolby Armos: Nov. 11, 10 p.m.; Nov. 17, 12:30 p.m..
Umaasa rin si Echo na after ng nasabing filmfest ay maipalalabas din ang “Red” sa mga SM cinemas para mas marami ang maka-appreciate sa movie niya kung saan kasama rin sina Mylene Dizon, JM Rodriguez, Nico Antonio, Mercedes Cabral at marami pang iba, sa direksiyon ni Jay Abello.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.