Megan sa pagpasa ng Miss World crown: May kurot sa puso!
Malapit nang matapos ang reign ng ating kauna-unahang Miss World (2013) na si Megan Young. At aminado ang ating reyna na ngayon pa lang ay nalulungkot na siya sa pagpasa niya ng kanyang korona sa mananalong bagong Miss World na magaganap ngayong Disyembre.
“Siyempre one year mo lang talaga masusuot ‘yung blue crown na suot ko ngayon. You know kaisa-isa lang ito, so siyempre kapag nakita mo ‘yung bagong Miss World, medyo may kurot ng konti sa puso kasi, you know, crown ko ‘yon eh,” ang sabi ni Megan sa isang TV interview.
Hirit pa niya, “Pero alam ko naman na marami na ang nakasuot na nito before me and they’d been very successful. So parang kumbaga isang chapter lang ito ng buhay ko. It has to come and go but good memories will stay.”
Pero kahit na tapos na ang kanyang pagrereyna sa Miss World, itutuloy pa rin niya ang ilang charity works niya for the Miss World Organization.
“Masaya ako kumbaga na-extend ‘yung work ko with them and I know internationally matutulungan nila ako kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko,” sabi pa ng ating first Pinay Miss World.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.