Utol ni Gerald sa ibang bahay nakatira; bibida na sa TV5
Nakakuwentuhan namin sa “Cristy Ferminute” ang mga bagets na mapapanood na simula sa Lunes nang gabi sa Wattpad Presents: Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) ng TV5 na tatagal hanggang Biyernes nang gabi.
Sina Eunice Lagusad (ang batang Bakekang), Ken Anderson (kapatid ni Gerald) at si Isabelle de Leon (si Duday ng sitcom nu’n ni Bossing Vic Sotto at ang gumanap na batang epileptic sa pelikulang Magnifico).
Bagito pa lang si Ken, pero dalawang indie movies na ang kanyang nagagawa, hindi sila magkasama sa isang bahay ni Gerald dahil mas gusto niyang mamuhay nang independent.
Purong Amerikano ang kanilang ama na naka-assign sa Egypt, nakuha nilang magkakapatid ang kultura nito na kailangang hindi sila umaasa kahit kanino, pero madalas silang nagkakasama ng kanyang utol.
Wala nang kailangan pang patunayan sa pag-arte sina Eunice at Isabelle, tumatak na sa ating mga kababayan ang mga ginampanan nilang papel nu’n na umagaw ng atensiyon ng publiko, lalo na si Isabelle na hindi lang basta maganda, marunong din siyang kumanta at para na lang niyang nilalaro ang pag-arte.
Aabangan namin sa Lunes nang gabi ang Wattpad Presents: Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang) ng TV5. Gabi-gabi ‘yun hanggang sa Biyernes, 9:30 p.m..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.