Matteo sure na sure: Piolo hindi kayang landiin at ahasin si Sarah!
Sabi namin kay Matteo Guideicelli, pwede na silang gumawa ni Sarah Geronimo ng isang romcom movie, “Ha-hahaha! Pwede ‘yun.”
May kontrata pa si Matteo sa Viva na isang pelikula. Habang si Sarah naman ay under contract ng Star Cinema/Viva Films. Although, magsisimula na si Sarah para sa movie nila ni Piolo Pascual for Valentine. Hmmm, di kaya siya magselos sa Ultimate Hearththrob since walang girlfriend ngayon si Papa P?
“Oh, mabait si Piolo. Magkaibigan naman kami, e,” confident na sabi ni Matteo na tila secured na secured na hindi aahasin ni Piolo si Sarah sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.