Alamin ang specification ng gulong | Bandera

Alamin ang specification ng gulong

Leifbilly Begas - November 05, 2014 - 03:00 AM

motor for site
NAPAPANSIN mo ba ang mga nakasulat sa gulong ng iyong motorsiklo?  Doon sa pinaka-goma.  Bilang isang rider dapat ay pamilyar ka sa mga nakasulat sa iyong gulong lalo at mahalaga itong bahagi ng iyong sasakyan.

Sa mga numero at letra na nasa sidewall ng goma malalaman ang detalye ng gulong (tire specification) na kailangan para matiyak na tama ito para sa iyong sasakyan.

Dahil iba-iba ang kompanyang gumagawa ng gulong, minsan ay iba ang pagkakasunod-sunod ng mga sukat ng gulong. Ang pinakamalimit gamitin ay ang metric measurement.

Makikita sa specification na nasa gilid ng gulong (side wall) ang Section Width na siyang unang set ng mga numero. Ito ang sukat ng lapad ng gulong.

Ang ikalawang set ng numero ay ang Speed Rating na siyang nagtatakda kung gaano kabilis ang maaaring takbuhin ng gulong. Mahalaga ito dahil kung sosobra sa bilis ay maaaring sumabog ang gulong.

Ikatlo naman ang Rim Diameter na siyang pinakamalimit na alam ng motorista dahil ito ang sukat ng rim.  At ang ika-apat ay ang Casing Strength kung saan makikita kung ilang ply ang gilid ng gulong.

May mga kompanya naman ng gulong na gumagamit ng Alphanumeric Measurement System. Ang sistemang ito ay gawa ng mga Briton. Dito ang unang letrang nakalagay ay ‘M’ para malaman na ang gulong ay para sa motorsiklo.

Ang ikalawa ay ang Tire Width. Pangatlo naman ang Aspect ratio o kung gaano kataas ang gulong na dumedepende sa taas ng side wall nito.

Pang-apat ang Rim Diameter o laki ng rim na maaaring gamitan ng gulong at ang panghuli at ang Load Range o ang bigat na kayang pasanin ng gulong.

Ang bilis naman na kaya ng gulong ay ginagamitan ng letra. Ang ‘J’ ay nangangahulugan na ang gulong ay maaaring tumakbo ng hanggang 62 miles per hour.

Ang ‘N’=87 mph, ‘P’=94 mph, ‘S’=112 mph, ‘H’=130 mph, ‘V’=149 mph at ‘Z’= mahigit 149 mph.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MAY katanungan ka ba tungkol sa iyong motor?   I-text sa 0917-8446769 o  i-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending