Loveteam nina Matteo Guidicelli at Joy Viado sa ‘Moron 5.2’ nakakadiri
NAKAKALOKA! Sumakit talaga ang panga namin sa katatawa sa “Moron 5.2: The Transformation” ng Viva Films na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano at Matteo Guidicelli directed by Wenn Deramas.
Napanood namin ang movie sa premiere night nitong nagdaang Lunes sa SM Megamall cinema 9, at super laugh trip ang pelikula! Mula simula yata hanggang ending walang ginawa ang mga tao sa sinehan kundi tumawa nang tumawa!
Sabi nga ng ilang katabi naming bagets, ang sakit na raw ng panga nila sa katatawa! Na totoo naman dahil hindi ka pa nakaka-recover sa paghalakhak sa mga unang eksena, may mga bagong pasabog agad ang limang moron sa susunod, kaya sino ba ang hindi susuko ang panga, di ba!? Ha-hahaha!
Tama nga ang sinabi ni direk Wenn, mas buo o mas solid ang kuwento ng “Moron 5.2” kesa sa part one, mas swak sa buong pamilya ang kabuuan ng kuwento dahil hindi lang sa limang moron umikot ang istorya nito kundi pati sa kanilang mga asawa’t anak.
Tuwang-tuwa rin kami sa mga batang gumanap na mga anak nina Luis, Marvin, DJ at Billy – kung kasumpa-sumpa kasi ang kabobohan at katangahan ng moron 5, ay grabe naman ang pagiging genius ng kanilang mga kids – at iyan ang dahilan kung bakit sila nabu-bully sa kanilang eskuwelahan.
Given na ang galing sa pagpapatawa nina Luis, Marvin, DJ at Billy, kaya isang revelation para sa amin si Matteo. In fairness, kahit bago lang siya sa grupo, hindi siya nilamon sa kabuuan ng movie.
Though problema pa rin ang Tagalog ng dyowa ni Sarah Geronimo dahil halata pa rin ang pagka-slang niya, pasado na rin dahil sa timing niya sa pagbibitiw ng punchlines.
Waging-wagi ang mga pasabog na eksena nila ng kanyang ka-loveteam sa pelikula na si Joy Viado – as in talagang nandiri ang manonood sa mga intimate scenes nila! Ha-haha!
May social relevance rin ang movie kahit na straight comedy ito, may mga eksena kasi kung saan ginamit ni direk Wenn ang walang kamatayang issue ng terorismo sa bansa at ang pang-i-spoof sa kaso ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Napoles – na talagang agaw-eksena sa bandang ending ng pelikula.
Pero ang talagang winner para sa mga manonood ay ang mga eksena ni Billy kung saan ginamit nang bonggang-bongga ang pagkakakulong niya kamakailan matapos magwala sa presinto dahil sa sobrang kalasingan.
May ilang scenes din sa movie na kinakausap lang nina Marvin, Luis, DJ at Matteo si Billy sa cellphone, marahil kinunan ang mg ito nu’ng kasagsagan ng iskandalo ni Billy.
At siyempre, may mga bagong pasabog din ang kontrabida sa buhay ng moron 5 – si John Sweet Lapus bilang si Becky Pamintuan na tumakas mula sa mental hospital para maghiganti sa limang bobo.
Riot ang mga eksena ni Sweet sa mental kasama ang doktor niyang si Karla Estrada – lalo na yung mga kagagahang pinaggagawa niya para makalabas lang sa mental! Ha-hahaha! Kakaloka ‘yun!
Tungkol naman sa kontrobersiyal na mga bukol ng limang moron, hindi naman mabibigo ang mga beki dahil siniguro ni direk Wenn na lahat ng bida ay magkakaroon ng chance para ipagmalaki ang kanilang notes.
Ha-hahaha! Pero feeling namin, tinalbugan nina Marvin, DJ at Matteo sina Luis at Billy sa palakihan ng “santol”! Anyway, kung laughing trip lang ang gusto n’yo, hindi kayo mabibigo sa “Moron 5.2:
The Transformation” dahil tiyak na maiihi kayo at mangangalay ang inyong panga sa katatawa. Showing na ito ngayong araw sa mga sinehan kaya watch na!
Kasama rin pala rito sina Mylene Dizon, Nikki Valdez, Yam Concepcion, Danita Paner, Dennis Padilla, Carlos Agassi at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.