Sensitive skin 2 | Bandera

Sensitive skin 2

Dr. Hildegardes Dineros - October 31, 2014 - 03:00 AM

SENSITIVE skin ang topic natin noong nakaraang araw, kaya naman skin o balat o kutis pa rin ang pag-uusapan natin ngayon.
Ang “Caucasian race” ay karaniwang mapuputi ang balat, kaya naman “puti” ang tawag sa kanila. Ang mga “itim” naman na galing sa African continent ay ang kabaligtaran nito. Sa gitna ay ang “brown-skinned race” ng mga Asyano, kasama na dito ang Pilipino. May “yellow race” din at ang mga “Chinese” naman ang nasa grupong ito.

May kanya-kanyang katangian ng balat ng tao depende sa kanyang pinanggalingan na dugo at depende rin sa kung saan siya nakatira.

Pero bakit nga ba marami ang ayaw sa sarili nilang kulay? Sa ating mga Pinoy, bakit ang dami sa atin na ayaw ang maging kulay kayumanggi at pilit na pilit na nagpapaputi. Kung anu-anong whitening cream ang ginagamit para lang maging maputi ang balat.

Meron namang Amerikanong “puti” gustong magbabad sa ilalim ng sikat ng araw para masunog ang balat dahil gustong magkulay kayumanggi kasi “dark is beautiful” daw.

Nagkakagulo ang mga kababayan natin, lalo na ang kababaihan sa pagpapaputi at pagpapakinis ng balat kung kaya’t ang daming mga produkto (Dermatologicals) ang nasa merkado.

Ang malaking problema nga lang ay ang kakulangan ng impormasyon hinggil sa balat at mga sakit nito at mga ebedensya na ang bawa’t ipinapahid sa mukha ay ‘safe” at epektibo.

Dito lumalabas ang mga kumplikasyon na sa halip na gumanda ay lalong pumapangit ang balat. Suliranin din ng gobyerno kung paano kokontrolin ang laganap na pagkalat ng mga “cosmetic products”.

Ang nagbebenta nga ba ang may kasalanan kung nalapnos ang mukha o ang kaisipan ng tao na hindi makuntento sa kung ano ang mayroon siya.

Kamakailan lang ay nagbabala ang ahensya ng gobyerno (BFAD) tungkol sa “mercury poisoning” na makukuha sa paggamit ng mga “cosmetic products”. Hindi lahat nang isinusulong ng mga “advertisements” kasama na ng pagsama ng magagandang mukha sa “billboards” ay makakatotohanan, bagkus ay karamihan dito ay may itinatago ang komersyalismo.

Kaya bago ka pa bumili ng pampaputi, tiyakin mo munang mabuti kung makakabuti ba ito sa iyong kutis.

O baka naman mas makakabuti kung natural na pamamaraan na lang ang gawin para maging fair and smooth ang iyong skin.

Ano ang mga paraan para pumuti ang balat? Umpisahan natin sa prevention. Ito ay ang pag-iwas sa ultraviolet rays na maliban sa pagdami ang “melanin pigments”, natutuyo din ang balat.

Mabilis ang “skin aging” kaya para i-delay ito, mas mabuting gumamit ng “sunscreen” o “sunblock” kung hindi maiwasan na lumabas at ma-expose sa sikat ng araw.

Kalinisan ng balat ay mahalaga rin. Ugaliin na maghilamos ng mukha bago matulog. Mag-moisturize din para maiwasan ang pagkatuyot ng balat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakinggan si Doctor Heal sa Radyo Mediko sa Radyo Inquirer 990am Lunes hanggang Byernes ng 8-9 ng gabi. I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa DRHEAL sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending