Charice, Arnel nalaos dahil sa kayabangan | Bandera

Charice, Arnel nalaos dahil sa kayabangan

Jobert Sucaldito - October 31, 2014 - 03:00 AM

CHARICE AT ARNEL PINEDA

CHARICE AT ARNEL PINEDA

PARANG flash in the pan lang ang naging kasikatan ng The Journey with Pinoy vocalist Arnel Pineda – na biglang lumutang ang mga paa sa ere nang makuhang main singer ng grupo.

Iyon ang naging claim to fame ng band singer na ito na mabilis nakalimot sa kanyang kahapon kaya hayun, mabilis ding naglahong parang bula ang kaniyang career.

Okay na sana ang unang salvo ng pagpasok ni Arnel sa The Journey – kaso nga, biglang yumabang ang bansot na ito. He has really changed and feeling hard-to-reach. Kaya nawalan ng amor ang mga dating kasamahan niya sa industriya.

May balita pa nga na noong kasagsagan ng The Journey dito sa Pilipinas ay biglang nagtaas ng talent fee si Arnel, as in super taas kaya turn-off ang producers sa kanya.

“Hindi mo na yata makausap ang mokong na ito in Tagalog. May accent pa, ha. Okay lang naman yung nag-i-Ingles ka pero naman – huwag namang OA. Kung nasa Amerika siya puwede iyon pero pag nandito na siya sa Pilipinas, mag-Tagalog siya.

“Nakakatawa iyang si Arnel. There were times kasi na everywhere he went ay may nakatutok sa kaniyang camera, kinukunan siguro ng mga taga-Journey ng sitners ang lahat ng activities niya sa Pilipinas.

“Bini-video nila lahat ng lakad ni Arnel kaya oks lang na mag-Ingles siya. Pero ang nakakatawa, wala na yung camera ay pa-slang pa rin ang emote niya kahit na mga taga-barrio na ang kausap niya. Ha-hahaha!” sabi ng isang nakausap namin.

Napansin din namin iyon. Masyadong kinarir ni Arnel ang pagiging international star. Alam niyo naman ang mga Pinoy, pag inilayo mo ang loob mo sa mga kababayan mo patay ka.

Unang-una, hindi na naman talaga hot property ang The Journey sa sa abroad, eh. May mga lugar lang sa South America na medyo tanggap sila pero sa iba – waley na. Hindi na tulad noon.
Pero in fairness to us, you know naman kung paano magbigay ng suporta ang mga Pinoy sa mga kababayan nating pinapalad sa international scene – ibinibigay natin lahat.

Ang problema lang sa mga artists nating ito, pag nakatuntong na sila roon, kaybilis tumayog ng mga ere. Para ring si Charice iyan eh, para na silang mga foreigners kung umasta. Pati puso nila ay pinalitan na yata nila. Okay lang yung pa-change-change eklat ka – just for the show pero huwag naman pati sa totoong buhay mo.

Kaya tuloy nawawalan ng amor ang mga kababayan natin sa kanila dahil sila mismo ang naglayo ng mga puso nila sa mga ito.
Arnel Pineda’s life story in a Hollywood movie? Why not? Pero ang tanong, mag-click kaya? Will he still get the same support sa mga Pinoy tulad nu’ng magsimula siya sa The Journey?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, he had a bad journey already with his kababayans kaya malabo yatang makuha ulit niya ang mga puso ng mga Pinoy. Just a dose of his own medicine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending