Wangs asinta ang solo liderato | Bandera

Wangs asinta ang solo liderato

Mike Lee - October 30, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Arena, Pasig City)
12 n.n. Cagayan Valley vs MJM Builders-FEU
2 p.m. Wangs Basketball vs MP Hotel
4 p.m. Bread Story-LPU vs Jumbo Plastic

DUGTUNGAN ang magandang panimula para solohin pansamantala ang liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup ang target ngayon ng Wangs Basketball sa pagsukat sa MP Hotel sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang laro ay itinakda dakong alas-2 ng hapon at galing ang Wangs mula sa 96-78 pagdurog sa AMA University Titans sa pagbubukas ng liga noong Lunes.

Kasalo ng koponang pag-aari ni Alex Wang at hawak ni coach Pablo Lucas sa unang puwesto ang Café France at Cebuana Lhuillier matapos magwagi rin sa kanilang unang asignatura.

Ang Bakers ang nagpalasap ng 59-86 pagkatalo sa Warriors kaya tiyak na ang koponang pag-aari ni multi-division world boxing champion Manny Pacquiao ay magsisikap para maipanalo ang labang ito.

Apat pang koponan ang magbubukas din ng kanilang kampanya sa dalawang iba pang laro.

Katunggali ng Cagayan Valley ang MJM Builders-FEU sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang Jumbo Plastic at Bread Story-Lyceum ang magtutuos sa huling laro dakong alas-4 ng hapon.

Ipapakita ng Giants, semifinalist sa nakaraang conference, na palaban pa rin sila kahit wala na ang mga malalaking manlalaro na dating sinasandalan.

Nasa koponan pa rin sina Jan Colina at Janus Lozada pero pinalakas ang koponan sa paghugot sa mga shooters na sina Mark Cruz, Dennis Villamor at Jansen Rios.

Hindi naman makakasama ng Cagayan ang top pick sa rookie draft na si Moala Tautuaa dahil kumakampanya pa siya sa ABL.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending