Alex: Sana minura n’yo na lang ako!
MAS nai-intimidate si Alex Gonzaga sa ate niyang si Toni kesa sa isa pang kasamahan nilang host sa The Voice Philippines season 2 na si Luis Manzano. Sey ng dalaga, magkaiba raw kasi ng style ang dalawa, pero mas kampante pag kasama si Luis.
Marami ang nagsasabi na siya ang female version ng anak ni Gov. Vilma Santos dahil sa kanyang kakulitan. In fairness, patok na patok lagi ang production numbers nila sa ASAP tuwing Linggo.
Kahit kami, tawa lang kami nang tawa sa kanila pag nagbabatuhan ng punchlines. Nagsimula ang kuwelang tambalan nila sa The Voice Kids at ngayon nga ay magkasama sila uli sa season 2 ng The Voice Philippines, kung saan kasama rin si Toni at Robi Domingo.
“Nag-text nga siya (Luis) sa akin, ‘Alam mo, sinasabi ng mga tao sa akin, ikaw raw ang female version ko.’ Sagot ko sa kanya, ‘Sana minura n’yo na lang ako.’” tawa nang tawang sabi ni Alex.
“Hindi, kami ni Kuya Luis, iisa lang ang utak namin. Minsan sabay kaming nagsasalita, sabay yung mga hinihirit namin. So okay lang sa akin. Okay lang. Di ba may awards ka naman?” sabay tingin kay Luis sa presscon ng The Voice kamakailan.
Dagdag pa ni Alex, “Siyempre, tuwang-tuwa ako kasi bago pa ako mag-artista kaibigan ko na si Kuya Luis at never siyang nagbago. True friend.”
Tinanong siya kung naiilang o nai-intimidate ba siya sa galing ni Luis bilang host? Kapag iisipin mo talaga, ang mga achievements niya talagang nakaka-intimidate.
Pero ‘pag katrabaho mo si Kuya Luis, never mong mararamdaman yun, never niyang ipa-feel na, ‘Mataas ako, ‘eto na yung napatunayan ko.’
Chika pa ni Alex, “Parang ipapa-feel niya sa iyo na pareho lang tayo.
Ang sarap niyang katrabaho. ‘Tapos ‘pag mahihirap, ibinibigay ko sa kanya. Mai-intimidate ka nga sa kanya kasi nga royalty si Kuya Luis ‘tapos yung achievement niya…Pero kapag kasama mo siya, mawawala yun sa isip mo kasi the way he treats people.”
E, sa ate niya, nai-intimidate ba siya? “Sa ate ko kasi, what’s good with my ate is she always shares everything with me. Hindi ako…sige, aaminin ko, nai-intimidate ako. Mas gusto kong kasama ko si Kuya Luis.
“Kasi ang ate ko masyado siyang perfectionist. Pero kapag nakikita niyang nagkaka-problema na ako, to enter na siya. Gusto lang naman niyang i-bring out ang best ko. So na-appreciate ko naman yun,” sey pa ng sister ni Toni.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.