Luis: Iba kasi ako kina Piolo, Coco at John Lloyd!
Aminado naman si Luis Manzano na maraming stupid things na ginawa siya in his life. But never naman daw niya ‘yun pinagsisihan. Kasi mula sa mga pagkakamali niya, natututo siya. Tulad na lang nang paghihiwalay nila noon ng girlfriend niyang si Angel Locsin.
“No, of course not, hindi ko pinagsisihan ‘yung breakup namin. It’s a blessing. Pero siguro kung hindi kami nag-break noon malay natin baka nag-break na kami ng tuluyan? Malay mo, ‘di ba,” esplika niya.
May nagtanong din kay Luis kung paano niya idi-differentiate ang role ni John Lloyd Cruz sa “The Trial” bilang mentally challenged sa pagiging moron nila nina Billy Crawford, Matteo Guidicelli, DJ Durano at Marvin Agustin sa “Moron 5.2: The Transformation”.
“Ang layo naman kasi unang-una, ‘yung kay Lloydie is very serious. I think there’s a lighter connotation naman ang moron. Si Lloydie kasi was mentally challenged, you’re not supposed to make fun of them, nor consider them funny.
“They’re not supposed to be a punchline. Iba ‘yung mentally challenged because they view things differently. Kumbaga sa electrical, iba ‘yung wiring nila. Moron naman kasi is simple tanga. Mahina ang pickup, hindi nakakaintindi,” paliwanag ni Luis.
Naka-10 years na pala sa showbiz si Luis at sa pagpapatuloy ng kanyang showbiz career, mas focus daw siya ngayon sa hosting and hoping siya na magkaroon ng isang Best Actor award.
“Kasi I’ve been blessed naman as a host. Nakakailan na ako (ng awards), naka-isang Best Supporting Actor na ako. Best Actor wala pa,” lahad niya.
Hindi rin daw niya alam kung mabibigyan siya ng bida role sa ilang serious films or kahit super hero na gaya ni “Captain Barbell” dahil hindi naman daw leading man ang peg sa kanya ng ABS-CBN.
“Hindi naman ako ibi-build up ng ganoon ng ABS kasi hindi naman ako leading man, e. Hindi ako Piolo Pascual, hindi ako John Lloyd, hindi ako Gerald Anderson, Xian Lim, hindi ako Coco Martin,” diin niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.