Pinagbantaan na ang mga fans ng Kapamilya aktor
MAY pagbabanta si Sharon Cuneta na kung hindi titigil sa kanya ang mga bashers niya sa Twitter ay magpapa-presscon siya at sasabihin ang totoo sa hiwalayan nina KC Concepcion at Piolo Pascual.
Feeling kasi ni Sharon ay mga fans ni Piolo ang nambabastos sa kanya sa Twitter.
Matagtal-tagal na rin daw kasing nagtitimpi itong si Mega kaya siguro nag-decide na siyang maglabas ng warning.
Nagalit nang husto ang Megastar dahil kung anu-ano na ang pinagsasasabi sa kanya ng mga bashers, including her family.
Nandiyang akusahan silang mag-iina na mga abortionist daw, na kesyo wasak na ang kanilang pamilya, at kung anu-ano pang masasakit na paratang.
Naiintindihan namin si Sharon dahil masakit nga naman ang mga salitang ginamit sa kanya at sa kanyang anak ng mga taong patuloy na naninira sa kanila.
Kaya lang, ang tanong, ituloy kaya ni Mega ang banta niyang magpatawag ng presscon para ibandera ang tunay na rason sa hiwalayan nina KC at Piolo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.