Kim: Hindi ko kayang maging anak-mayaman! | Bandera

Kim: Hindi ko kayang maging anak-mayaman!

Reggee Bonoan |October 21,2014
facebook
share this

Kim: Hindi ko kayang maging anak-mayaman!

Reggee Bonoan - October 21, 2014 - 03:00 AM

kim chiu
Sa darating na Biyernes na magpatatapos ang Ikaw Lamang kaya naman aminado si Kim Chiu na inaatake na siya ng sobrang lungkot.

“Kasi, mag-iisang taon din kaming magkakasama sa seryeng ito, tapos parang ilang araw na lang, eh, maghihiwa-hiwalay na kami, siyempre, mami-miss din namin ‘yung bonding,” katwiran ng dalaga nang makatsikahan namin sa taping ng Ikaw Lamang.

Masayang sinabi ni Kim na marami siyang natutunan sa Ikaw Lamang, lalo na sa mga veteran stars na kasama nila sa serye. Pero ayon sa dalaga, bilang sina Isabel at Jacq ay mas nahirapan siyang gampanan ang una.

“Hindi ko kayang maging prim and proper, anak-mayaman, ‘yung hindi makabasag-pinggan. Hindi ko talaga kaya ‘yung ganu’n, so parang si Direk, ‘Ulit tayo, isa pa.’ So, sabi ko, nakakahiya naman sa kanila, uulit tayo nang uulit.

Tapos iyak nang iyak, maya’t maya, iyak. “Tapos ‘yung kay Jacq, sobrang dali kasi, parang sa totoong buhay lang, saya-saya lang, parang adlib-adlib. Pero ngayon, medyo halo-halo na, kasi patapos na,” paliwanag ni Kim.

Tutukan ang huling apat na gabi ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending