Mga pelikulang ‘IF’, ‘Monkey Man’, ‘Back to Black’ pasiklaban sa takilya
BACK-to-back-to-back na mga magagandang pelikula ang showing na sa mga lokal na sinehan!
Ito ang fantasy comedy film na “IF,” action thriller na “Monkey Man,” at biopic movie na “Back to Black.”
Kung kayo ay feeling down recently, nako, just in time na panoorin niyo ang mga ito dahil tiyak na inspiring at motivating ang mga ipinaparating na mensahe sa mga nasabing pelikula.
Baka Bet Mo: LIST: Mga ‘movie marathon’ na pak na pak ngayong Mayo
‘IF’
“IF” ang acronym para sa salitang “imaginary friends” na siyang peg mismo ng fantasy comedy movie.
Napanood namin ito at swak na swak itong pampamilya, lalo na sa mga kids at young at heart na madlang pipol.
Aliw na aliw kami sa naging takbo ng pelikula na kung saan ay bukod sa tunay na tao, tampok rin ang ilang animation na ipinapakita ang itsura ng ilang imaginary friends.
Ang bida riyan ay ang sikat na Hollywood actor na si Ryan Reynolds at ang American child actress na si Cailey Fleming.
Ang istorya ay mula sa imahinasyon ng filmmaker at American actor na si John Krasinski.
Masasaksihan diyan ang kakaibang mundo na kung saan ay kailangan mo munang maniwala bago ito makita.
“‘IF’ is about a girl who discovers that she can see everyone’s imaginary friends – and what she does with that superpower – as she embarks on a magical adventure to reconnect forgotten IFs with their kids,” saad sa synopsis ng Paramount Pictures.
‘Monkey Man’
Mabubuhay naman ang inyong adrenaline sa action movie na “Monkey Man” ng British actor na si Dev Patel, ang binansagang “South Asian John Wick.”
Bukod sa siya ang bida, ito rin ang nagsisilbing directorial debut ni Dev at siya rin mismo ang nagsulat ng kwento nito.
Inspired ito sa alamat ng Hindu deity na si Hanuman na siyang sumisimbolo sa karunungan, lakas, tapang, debosyon at disiplina sa sarili.
Iikot ang kwento ng pelikula sa paghihiganti ng isang tao laban sa isang tiwaling lider na pumatay sa kanyang ina at patuloy na binibiktima ang mga mahihirap at walang kapangyarihan.
Aminado ang aktor na obsessed siya sa action films mula noong bata pa siya at ibinunyag na ang nasabing pelikula ay isang dekada na niyang ginagawa.
Ang “Monkey Man” ay certified Fresh sa Rotten Tomatoes, base na rin sa magagandang reviews mula sa movie critics at manonood.
Baka Bet Mo: Hollywood thriller films ‘Blink Twice’, ‘Trap’ magpapakaba sa mga Pinoy
‘Back to Black’
Nasaksihan na rin namin ang “Back to Black” na nagbibigay-pugay sa buhay at iniwang legacy ng yumaong musical genius na si Amy Winehouse.
Ang bumida riyan ay ang British actress na si Marisa Abela at mula sa direksyon ni Sam Taylor-Johnson.
Para sa mga hindi aware, pumanaw ang sikat na English singer-songwriter sa edad na 27 dahil sa alcohol poisoning.
Marami ang pinagdaanan ni Amy mula sa pagiging passionate singer hanggang sa maging Grammy award-winner.
Isa sa mga matinding pagsubok na hinarap niya ay ‘yung matagpuan niya ang kanyang mister na si Blake Fielder-Civil na nalulong sa ilegal na droga at alak.
“Back to Black” is a deeply soulful and astonishingly powerful look at one of the 21st century’s biggest talents, and attempts to understand how personal demons tore Amy Winehouse apart. With a script based on first-person material, we see the rise of Amy Winehouse from her suburban upbringing to global superstardom, before her death, leaving the world with an indelible legacy,” saad sa synopsis ng pelikula.
Ang biopic film ay exclusively na mapapanood sa Ayala Malls Cinema.
Samantala, si Amy ay sikat sa mga kantang “Rehab,” “You Know I’m No Good,” “Back to Black,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.