TALK ‘N TEXT, GINEBRA MAGKAKASUBUKAN | Bandera

TALK ‘N TEXT, GINEBRA MAGKAKASUBUKAN

Barry Pascua |October 19,2014
facebook
share this

TALK ‘N TEXT, GINEBRA MAGKAKASUBUKAN

Barry Pascua - October 19, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Philippine Arena)
1:30 p.m. Opening Ceremonies
3 p.m. Kia Sorento vs Blackwater Elite
5:15 p.m. Talk ‘N Text vs Barangay Ginebra

SISIMULAN ng Talk ‘N Text ang pagbawi sa karangalan sa salpukan nila ng Barangay Ginebra sa main game ng opening twinbill ng 40th PBA season mamaya sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Magkikita ang Tropang Texters at Gin Kings sa ganap na alas-5:15 ng hapon matapos na magsalpukan ang expansion franchises na Blackwater Elite at Kia Sorento sa ganap na alas-3 ng hapon.

Matapos na magwagi ng tatlong sunud-sunod na Philippine Cup championships ay nabigo ang Tropang Texters na ipagpatuloy ang paghahari noong nakaraang season nang magtagumpay ang Purefoods Star (dating San Mig Coffee) na nakakumpletong Grand Slam.

Sa pag-asang mabago ang kapalaran ay nagpalit ng coach ang Talk ‘N Text na ngayon ay hahawakan ni Joseph Uichico. Nalipat si Norman Black sa Meralco Bolts.

Dalawang rookies ang kinuha ng Talk ‘N Text sa katauhan nina Kevin Alas at Matthew Ganuelas Rosser na dating magkakampi sa multi-titled PBA D-League champion NLEX.

Ang Tropang Texters ay pamumunuan nina Kelly Williams, Jason Castro, Larry Fonacier at Jay Washington na nagbabalik sa Talk ‘N Text.

Hindi makakasama ng Tropang texters ang mga Asian Gamers na sina Jimmy Alapag at Ranidel de Ocampo na kapwa may injuries.

Ang Barangay Ginebra, na hawak ni coach Jeffrey Cariaso, ay sasandig sa mga Asian Gamers na sina LA Tenorio at Japeth Aguilar na susuportrahan nina  Gregory Slaughter, Mark Caguioa at Mac Baracael.

Naidagdag sa lineup ng Gin Kings ang beteranong si Joseph Yeo at rookie na si Rodney Brondial.

Ang Blackwater Elite at Kia Sorento ay kapwa hindi nabigyan ng special concessions nang matanggap bilang expansion franchises. Binuo nila ang kanilang koponan sa pamamagitan ng expansion at Rookie drafts.

Hawak ni coach Leo Isaac, ang Blackwater Elite ay pamumunuan ng mga beteranong sina Sunday Salvacion, Eddie Laure, Paul Artadi, Chris Timberlake at sophomores JR Cawaling at Alex Nuyles.

Inaasahan namang lalaro ng hindi bababa sa limang minuto para sa Kia Sorento ang playing coach na si Manny Pacquiao.

Ang iba pang beterano ng Kia Sorento ay sina dating Rookie of the Year Rich Alvarez, Hans Thiele, Rudy Lingganay, Reil Cervantes at Michael Burtscher.

Ang mabonggang opening ceremonies na masasaksihan ng 55,000 fans ay magsisimula sa ganap na alas-1:30 ng hapon.

Sa Martes ay lilipat sa Smart Araneta Coliseum ang aksyon kung saan magsasalpukan ang Globalport at NLEX sa ganap na alas-4:15 ng hapon at magtatagpo ang Rain or Shine at San Miguel Beer sa ganap na alas-7 ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sisimulan naman ng Purefoods Star ang pagdepensa sa korona nito sa Miyerkules sa laban kontra Alaska Milk sa ganap na alas-7 ng gabi matapos ang alas-4:15 ng hapon na salpukan ng Barako Bull at Meralco sa Big Dome.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending