Malapit ng yumaman (2) | Bandera

Malapit ng yumaman (2)

Joseph Greenfield - October 18, 2014 - 02:22 PM

Sulat mula kay Daisy  Gamao Subdivisio,   Luniab, Iligan City
Dear Sir Greenfield,

1. Itatanong ko lang po kung may pag-asa ba kaming yumaman na mag-asawa? Isinilang po  ako noong October 23, 1972 at February 14, 1966 naman ang mister ko. Sa ngayon po ay may negosyo kaming grocery sa bayan. Nais ko rin pong malaman kung mapapalaki ba namin ito at ito na kaya ang maging daan upang kami ay yumaman? Sabi ng mister ko ay basta raw magsikap lang kami at magtipid ay yayaman din daw kami.
2.      Pero naiinip na ako kaya balak kong magnegosyo rin ng pautangan. Ang katabi kasi naming puwesto na nagpapaautang na may malaki ang tubo ay may mga sasakyan at magarang bahay na. Hindi po ba masamang magpa-5-6 para mas mabilis kaming yumaman? Saang negosyo o larangan po ba kami yayaman?
Umaasa,
Daisy ng Iligan City  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman si mister ang nagsasabing suwetong-suweto kayong magka-partner sa negosyo. Basta patuloy kayong magtulungan at magmamahalan, pagpasok na pagpasok ng Disyembre ay mabilis na lalago at uunlad ang inyong negosyo.
Numerology:  
Ang birth date mong 23 at 14 naman si mister ay nagsasabing sa pamamagitan ng “combine-force” ninyong dalawa—ibig sabihin ay seryoso kayong magtutulungan na mag-asawa upang mapalago n’yo ang inyong grocery at sa pamamagitan ng laging pagamit ng mga numerong may “five” tulad 5, 55, 555, 105, 255, at iba pa— lalo kayong susuwertehin sa aspetong pagkabuhayan at lalo pang makakamit ang tuluy-tuloy na pagyaman.
Graphology:
Ang lagda mong may malaking bilog o lower loop sa ilalim ng letrang “g” ang nagsasabing sa ayaw at sa gusto mo, sa edad mong 44 pataas, at 50 naman si mister, tulad ng nasabi na, mabilis at tuluy-tuloy na kayong yayaman.
Luscher Color Test:
Upang matiyak ang pagyaman at hindi na kayo maubusan ng pera kailan paman, gumamit ng matitingkad na kulay tulad ng pula, dilaw, pink at asul sa inyong tinadahan. Sa ganyang mga kulay ay lalo kayong yayaman.
Huling payo at paalala:
Tama ang iyong sapantahan, Daisy, malapit na nga kayong yumaman. Basta’t ituloy n’yo lang ang negosyo ninyong grocery at pilitin nyong makapagrasyon ng mga paninda sa ibat-ibang lugar sa taong 2016 sa edad mong 44 pataas at 50 pataas naman ang mister mo ay magugulat ka dahil mabilis na uunlad ang inyong tindahan. Magkakaroon din kayo ng maraming branches hanggang sa hindi na mapipigil pa ang tuloy-tuloy ninyong pagyaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending