American actor todo papuri kay Anne sa ‘Blood Ransom”
“Of course, it’s any actor’s dream…to penetrate Hollywood,” sagot ni Anne Curtis sa aming tanong kung mas pipiliin ba niyang magkaroon ng bonggang karir sa USA if given the chance.
“Pero siyempre dito pa rin ang roots ko. Ang sarap mangarap, pero why not? Kahit hindi naman mainstream Hollywood movie ang nagawa namin, the fact na ipapalabas ito sa buong America is already a big accomplishment.
Malay natin, mapanood ito ng mga Hollywood biggies,” paliwanag ni Anne tungkol sa “Blood Ransom” movie niya na mauunang ipalabas dito sa Pilipinas on Oct. 29, bago sa US.
Sa pelikulang nabanggit unang nakipaglaplapan nang todo-todo (sa wide screen, ha!) si Anne sa leading man niyang si Alexander Dreymon. “It’s a French Kiss. As in may tongue.
Yun kasi ang gusto ng direktor at yun pala ang klase ng kissing scene sa America. Dito kasi sa atin, medyo conservative pa ang screen kiss. Nganga lang, sensual na,” ang hirit pa ng kikay na aktres-TV host.
Isang bampira sa movie si Anne na mai-involve sa karakter ni Alexander. Panay naman ang puri ng US actor sa kanyang leading lady at wish daw niyang makatrabaho ito sa Pinoy movie natin kung may magandang offer.
Bago umalis pabalik ng US si Alexander ay ipinakilala ito ni Anne sa kanyang BF na si Erwan Heussaff na balita namang proud na proud sa “Blood Ransom” movie ng GF at tumutulong pa nga itong mag-promote!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.