Daniel ayaw pang magdyowa: Ipon-ipon muna pag may time!
FEELING ko, mas maingat na ngayon si Daniel Matsunaga pagdating sa pagpili ng susunod niyang girlfriend. Imagine, ang last pa yata niyang dyowa ay si Heart Evangelista na malapit nang ikasal kay Sen. Chiz Escudero?
Mismong ang PBB All In Big Winner na ang nagsabi na wala pa rin siyang lovelife until now, naniniwala siya na darating din ang babaeng para sa kanya sa tamang panahon.
“Wala pa talaga akong girlfriend, trabaho muna, ipon-ipon pag may time,” ang natatandaan naming sabi ni Daniel sa huling interview niya, sabay sabing, “I won’t say that I want somebody from showbiz or non-showbiz but I put God in everything and in God’s time there will be the right one.”
Gusto raw munang mag-focus ng Brazilian-Japanese model-actor sa kanyang work kaya dedma muna ang lovelife. Dalawang pelikula ang ginagawa ngayon ni Daniel, ang “Past Tense” with Kim Chiu and Xian Lim at ang “Shake Rattle & Roll” kasama si Lovi Poe na kasali sa 2014 Metro Manila Film Festival.
In fairness, sunud-sunod ang dumarating na swerte kay Daniel after niyang manalo sa PBB, bukod nga sa mga pelikula at TV shows, siya rin ang bagong celebrity endorser ng San Marino Tuna Flakes bilang kilala nga siya sa pagiging health buff. May sinusunod siyang diet para ma-maintain ang kanyang six-pack abs, bukod sa pagdyi-gym.
“When I’m working a lot, I still ensure that I do push-ups kahit sa set na lang. Even in PBB, palaging pagod, puyat kami sa mga tasks. And even though, pagod, puyat, I exercise pa rin,” ani Daniel.
At ‘yan nga ang isa sa dahilan kung bakit siya ang napili para maging brand ambassador ng San Marino Tuna Flakes.
Hindi nagdalawang-isip ang binata na tanggapin ang offer dahil pinaniniwalaan niya ang produkto.
Ayaw naman daw niyang lokohin ang publiko, “I only endorse products na talagang ginagamit o kinakain ko. I don’t want to lie sa mga tao.”
“After I work-out, I eat tuna. Our body needs protein…protein talaga. I always bring a can of tuna to help on my daily protein requirements. How much our body needs depends on our weight,” sey pa ni Daniel.
Sa bagong commercial ng nasabing produkto, makikita si Daniel na gumagawa ng iba’t ibang extreme outdoor activities. Hilig daw niya ang ganitong sports activities kaya na-enjoy niya gawin ang commercial.
“Yes, I’m very much into sports. I play a lot of football. Every day we have training. I do work-out two to three hours a day. Kapag may time, wakeboarding at iba-iba pang outdoor sports.
Hindi kasi pwedeng sa loob lang ng gym. I do a lot of challenging exercises,” chika pa ng binata. Naganap noong Oct. 11 ang launching ng bagong endorsement ni Daniel na pinamagatang “What’s New, What’s Next? Fair” sa Mercato Tent sa Bonifacio Global City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.