DAPAT kapulutan ng aral ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kalagayan ngayon ni Police Chief Supt. Alexander Ignacio dahil lamang sa calling card.
Ang police chief superintendent ay kapantay ng ranggo sa brigadier general sa military.
Si Ignacio ay “outside the kulambo” sa kanyang misis ngayon matapos na ibunyag ni Alyzza Agustin ang maaaring naging sexual relations niya sa heneral.
Si Agustin ay itinuring na isa sa mga pinaka-seksing babae sa buong mundo noong 2013 ng FHM, isang glossy men’s magazine na gaya ng Playboy.
Sinabi ni Agustin sa Facebook na naiwasan niya ang matekitan for traffic violation matapos niyang ipakita sa traffic officer ang calling card ni Ignacio.
Nakasaad sa calling card ang utos ni Ignacio sa mga traffic enforcers na bigyan ng kurtesiya si Agustin na kanyang “EA” o executive assistant.
Kahit sinong lalaki ay ipagmamalaki ang isang seksing partner? Pero hindi sa paraan na ginawa ni Alyzza: ang pag-anunsiyo sa buong mundo na siya’y “EA” ni Ignacio pero hindi naman.
Itinanggi ni Ignacio na kakilala niya si Alyzza, pero bakit naman ipinagmayabang ng babae ang calling card at ipinanakot pa sa traffic enforcer?
Maaaring nagsasabi ng totoo si Ignacio, pero maaaring hindi rin siya nagsasabi ng totoo.
Bakit napunta ang calling card niya sa sexy model?
Malamang sila’y na-ging lovers hanggang sa naging publiko ang kanilang relasyon dahil sa kayabangan ni babae.
Sayang! Ang masarap na relasyon ay umasim dahil lamang di mapigilan ng babae ang kanyang bibig.
qqq
Mag-ingat tayong mga kalalakihan sa pakikipag-relasyon sa mga babaeng mataray.
Isang tanyag na radio commentator ang nagkaroon ng ganoong pagkakamali.
Siya at ang ang kanyang girlfriend, isang abogada sa Bureau of Customs, ay nagninii. Pero bigla siyang natigilan dahil may amoy daw ang babae.
Nagalit ang babae at ito ang naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.
Ilang buwan ang nakaraan at binalikan ang komentarista ng dati niyang kalaguyo.
Sinampahan siya ng kasong extortion ng babae sa piskalya.
Buti na lang at nakumbinsi ng komentarista ang piskal na gawa-gawa lamang ang kasong extortion sa kanya dahil ibinunyag niya ang nangyari sa kanilang dalawa.
Napahiya ang babae at hindi na itinuloy ang kaso.
***
May scenario na ipininta ang INQUIRER columnist na si Ramon J. Farolan sa kanyang Reveille column kahapon.
Sabi niya na kapag na-assassinate si Pangulong Noy, malagim ang magiging kalagayan ng bansa.
“Should anything happen to President Aquino, Vice President Jejomar Binay would take over as president,” ani Farolan.
Dugtong pa ni Farolan: “This would have a tremendous impact on the political landscape of the country.
I leave it up to the imagination of our readers as to what the future would be should this scenario take place.”
Diyos na mahabagin, huwag po sana!
Magkakaroon tayo ng Pangulo na Binay, senador na Binay, kongresista na Binay, Binay na mayor ng premiere city sa bansa, at maaaring Binay na maging secretary of health.
Si Elenita Binay, dati ring mayor ng Makati, ay isang doktora.
***
Napakawalanghiya nitong si Councilor Wilfredo Limboc ng Balayan, Batangas.
Inasunto siya sa kasong rape ng isang empleyado ng Balayan municipal hall.
Ang mas masamang ginawa ni Limboc ay hinawaan pa umano nito ang pobreng babae ng tulô o venereal disease.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.