Serye nina Coco at Kim di apektado ng ‘Bench scandal’ | Bandera

Serye nina Coco at Kim di apektado ng ‘Bench scandal’

Ervin Santiago - October 04, 2014 - 03:00 AM

coco martin
Parang wala namang masyadong epekto sa rating ng seryeng Ikaw Lamang ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng Teleserye King na si Coco Martin.

In fairness, patuloy na umaariba ang master serye ng ABS-CBN, patunay lang na kahit anong mangyari ay hindi mawawala ang suporta ng madlang pipol sa programa.

Feeling din namin, mas lalong minahal ng publiko si Coco dahil sa paghingi niya ng sorry kahit na nga hindi siya talaga siya ang dapat sisihin sa naganap na underwear show recently.

Anyway, sa pagpapatuloy ng Ikaw Lamang, sisiklab na ang galit at poot sa puso ng karakter ni KC Concepcion na si Natalia ngayong natuklasan na niya na ang itinuturing na karibal sa puso ni Gabriel (Coco) na si Jacq (Kim Chiu) ay ang kanyang nawawalang kapatid na si Andrea.

Sa kanyang pagbabalik, gagawin niya ang lahat para wasakin ang buhay ni Andrea matapos nitong sirain ang relasyon nila ni Gabriel. Abangan ang paghihiganti ni Natalia na siguradong magpapagalit sa fans ni Kim bilang si Andrea.

Sa direksyon nina Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco, ang  Ikaw Lamang ay mula pa rin sa Dreamscape at napapanood after Hawak Kamay sa Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending