Benefit concert para kay Tiya Pusit nabahiran pa ng intriga
Itutuloy pa rin ang nakatakdang benefit concert para kay Tiya Pusit (Myrna Villanueva sa tunay na buhay) kahit pumanaw na ito noong Huwebes ng gabi sa edad na 66, dahil sa mga kumplikasyon ng sakit niya sa kidney at aortic aneurysm.
Naulila ni Tiya Pusit ang kanyang apat na anak. Sa Linggo na magaganap ang concert for a cause (sa Zirkoh Morato) na dadaluhan ng mga local celebrities na gustong makatulong sa pamilya ng komedyana.
Kung matatandaan, nagkaroon pa ng isyu ang nasabing show dahil sa naging reaksiyon ng anak ni Tiya Pusit na si Christian Uybengkee.
Sabi nito nang malaman ang tungkol sa benefit concert, “We are not informed nor aware about this benefit concert for our mother. I’m pretty sure, they will use my nanay situation to collect funds and pocket it for their own benefit.”
Pero agad na nag-sorry si Christian nang makausap na niya ang organizers ng concert at nagpasalamat sa mga artistang makikiisa para sa pagtulong sa kanyang yumaong ina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.