HINDI naman daw nababahala si Cristine Reyes sa ibinigay na rating ng MTRCB sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN, ang Dahil Sa Pag-Ibig dahil sa sensitibong tema nito.
Binigyan ng Strongly Parental Guidance (SPG) rating ng MTRCB ang nasabing serye, ibig sabihin hindi ito maaaring panoorin ng mga bata kapag walang gabay ng kanilang mga magulang.
Isa sa mga tatalakayin sa serye ay ang bawal na pag-ibig: nang hindi sinasadyang ma-in love ang isang pari (Piolo Pascual) sa kanyang kinikilalang kapatid (Cristine).
Say ni Cristine, marami raw talagang sensitibo at malalalim na mga eksena ang Dahil Sa Pag-Ibig at naniniwala rin siya na kailangan talaga ng patnubay ng mga magulang ang mga batang manonood sa kanilang programa.
Anyway, kuwento ni Cristine, pagkatapos daw ng mga “old maid” niyang look, sosyal at fashionable na Cristine Reyes naman ang mapapanood sa Dahil Sa Pag-ibig, kung saan gaganap nga siya bilang anak mayaman.
“Sa previous roles ko kasi bawal ang mag-heels. Ngayon naman beauty at glam ang peg, kaya challenging talaga!” kwento ng sexy actress.
Pero bukod sa new look, mas dapat daw abangan ng sambayanan ang mga de-kalibreng aktor na kanyang kasama, “Mas excited ako kaysa sa pressured dahil inaabangan ko ang project na ito dahil primetime at ‘yung mga katrabaho ko ay magagaling na artista.”
Bukod kay Piolo, kasama rin sa serye sina Jericho Rosales, Maricar Reyes, Christopher de Leon, Sandy Andolong at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.