PILIPINAS NAKUHA ANG UNANG GINTO | Bandera

PILIPINAS NAKUHA ANG UNANG GINTO

Mike Lee - October 02, 2014 - 12:00 PM

cyclingHINDI uuwing walang ginto ang Pilipinas sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Sa araw na ginunita ni Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia ang kanyang kaarawan bumagsak ang hinihintay na gintong medalya nang  patunayan ni Fil-American Daniel Caluag ang estado bilang number one sa Asia sa BMX cycling sa karerang pinaglabanan kahapon sa Ganghwa Asiad BMX Track.

Sa seeding run pa lamang ay nanguna na ang 27-anyos natatanging Asian rider na naglaro sa London Olympics sa 35.486 segundo tiyempo.

Limang bansa na bumuo sa walong riders ang naglabanan at tunay na malayo ang kalidad ni Caluag matapos ang nangungunang 35.277, 35.366 at 35.431 tiyempo sa tatlong karera.

Pumangalawa si Masahiro Sampei ng Japan (35.444, 35.486 at 36.104) habang si Yan Zhu ng China ang pumangatlo (37.242, 37.072, 35.609).

Ang kapatid ng Myanmar Southeast Asian Games gold medalist na si Christopher John ay tumapos sa pang-apat na puwesto sa 36.427, 37.633 at 37.337 marka.

Ang naabot ni Caluag ay nangyari matapos makitaan lamang ang mga pambansang atleta na nanalo ng dalawang pilak at limang tansong medalya.

Si Mary Anjelay Pelaez ang kumubra pa ng isang bronze medal sa women’s -46kg sa taekwondo matapos matalo sa semifinals kay Sohui Kim ng Korea.

Inakalang magkakaroon pa ng medalya sa athletics sa katauhan ni Eric Cray nang umabante sa finals sa 400m hurdles sa second best time na 50 seconds sa heat.

Pero nabigo siyang maduplika ang oras dahil bumagal siya sa 51.47 upang malagay sa ikaanim na puwesto sa walong naglaban.

Kung nagawang pantayan ng Fil-Am ang naunang oras, nakuha sana niya ang bronze medal dahil 50.29 ang marka ni Wen Cheng ng China para sa ikatlong puwesto.

Samantala, tinambakan ng Gilas Pilipinas ang Mongolia, 84-68, para tapusin ang kanilang kampanya sa Asiad men’s basketball sa pamamagitan ng panalo sa larong ginanap sa Hwaseong Sports Gymnasium.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ang ikatlong panalo ng Gilas sa pitong laro para magtapos sa ikapitong puwesto sa torneo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending