‘Charice huwag munang idamay ang mga Pinoy sa depresyon mo!’
MARAMI ang naglalabas ng reaksiyon-opinyon sa mga emote ni Charice sa kaniyang social media account. Masama raw ang loob ng Pinay singer who tried the international scene for a while.
Hindi na raw kasi niya nararamdaman ang pagmamahal at paghanga that she deserves dahil despite all the paghihirap na dinanas niya para makapagbigay ng karangalan sa bansa ay kung anu-ano pa raw ang panlalait na natamo nito sa mismong mga kababayan niya like panlalait sa kaniyang pagkatao, buhok, sekswalidad and all.
All that she wanted daw is konting respeto. Well, you know – no one asks for respect, it’s gained honey. You don’t even have to be an international star to get it.
Kahit ordinaryong basurero ka lang kung sa tingin ng mga tao ay kagalang-galang ka ay makukuha mo iyon. Must be because hindi ka na nila naramdaman – even yung pagpapakahirap mo siguro ay hindi na nila maramdaman, baka feeling nila ay pansarili mo lang iyon.
Check out first on yourself bago mo sila idamay sa depresyon mo. Some people still ask us kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit nagkahiwalay sila ng landas ni Oprah Winfrey, ang ninang niya (kumare ko yata si Oprah, bah! Maki-level ba! Ha-hahaha!) at mentor sa Amerika.
Bakit niya pinakawalan ang napakalaking oportunidad niya sa Hollywood with the most powerful media woman handling her?
That was the wrong-est decision she has ever made sa kaniyang singing career.
Kung ang ibang personalidad all over the world ay nagkakandarapa mapalapit lang kay Oprah pero siya, pinakawalan niya ang chance niya to become much bigger? Dahil ba akala niya ay kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa? Not in America, girl! Ay sorry, boy pala!
Anyway, a friend of mine told me that Charice finally has a one-on-one interview with Oprah and is coming out daw sa Oct. 19. We’ll look forward to that. Kung totoo mang they are talking again now, let’s see kung ano ang nilalaman ng interview na iyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.