Model tinawag na 'extrang asawa' ng PNP official dahil sa kontrobersyal na FB post | Bandera

Model tinawag na ‘extrang asawa’ ng PNP official dahil sa kontrobersyal na FB post

- , September 30, 2014 - 05:01 PM

BIGLANG sumikat at naging kontrobersyal ang isang modelo ng men’s magazine na executive assistant din ng isang opisyal ng Philippine National Police.

Sa gitna ng mga alingasngas at kontrobersya na kinasasangkutan ng PNP, tila pina-apoy pa ng husto ng FHM model na si Alyzza Agustin ang galit ng mamamayan sa PNP nang ibalandra nito sa Facebook ang  “privilege calling card” ng opisyal ng PNP na si Director Alexander Ignacio ng PNP Directorate for Plans.

Sa kanyang post sa FB, sinabi nito na nakaiwas siya na matikitan dahil sa calling card ng pulis na may mensahe at pirma sa likuran nito.

Sa isang screenshot ng post ni agustin sa kanyang FB account, sinabi nito:  “Nahuli nanaman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka useful mong card with matching dedication pa #happykid”

Kasama ng post ay ang larawan ng business card ng pulis na may pirma at mensahe sa likod na: “PLS ASSIST MY EA, ALYZZA AGUSTIN.”

model

 

Hindi nilinaw ni  Agustin, na kabilang sa FHM 100 Sexiest Women in the World in 2013, kung ano ang ibig sabihin ng “EA” na tinutukoy ng pulis.

Dahil dito, maraming spekulasyon ang umikot sa Internet at sinabing ang EA ay ibig sabihin ng “Extrang Asawa”.

Mabilis din umanong inalis ni Agustin ang kanyang post, ngunit isang netizen ang nakapag-screenshot nito at ipinost din sa Facebook.

Wala namang paliwanag na maibigay ang pamunuan ng PNP at maging si Ignacio na nasa ibang bansa ngayon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending