PIOLO baka magpari na lang | Bandera

PIOLO baka magpari na lang

- March 11, 2012 - 03:23 PM

Bukas ng gabi na ang airing ng bagong seryeng Dahil Sa Pag-Ibig nina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Maricar Reyes at Christopher de Leon.

Ngayon pa lang ay kung anu-anong issue na ang ikinakabit sa show, kabilang na ang pagbibigay dito ng MTRCB ng SPG o Strong Parental Guidance rating.

Siyempre, nakakagulat ang ibinigay na rating ng MTRCB dahil pag ganito, e, hindi na ito mapapanood ng mga bata na hindi kasama ang magulang nila.

Sensitibo kasi ang istorya ng nasabing soap, tungkol ito sa isang paring nagkagusto sa kinikilalang kapatid na kahit na nangyayari sa tunay na buhay ay hindi pa rin tanggap ng ating lipunan.

Anyway, may celebrity screening ang Dahil Sa Pag-Ibig ngayong hapon sa Trinoma Cinema at malalaman namin kung anu-ano ang mga ito.

At dahil loveless na naman si Piolo baka nga may “calling” siya na magpari na lang dahil hindi naman nagtatagal ang mga relasyon niya?

‘Yan ang gusto naming itanong sa aktor kapag nagkaroon kami ng chance na mainterbyu siya.

Hindi lang ang viewers ang excited sa Dahil Sa Pag-Ibig, kundi maging si Piolo ay atat nang mapanood ito.

Sabi niya, “Talagang pinaghahandaan at pinagtutuunan ng pansin ng ABS ang soap opera na ito so I’m really excited and I’m honored to be part of the series.”

“Bukod sa iba ‘yung character ko, iba din ‘yung conflict ng story.

Pero siguro ang pinaka-exciting dito is ‘yung conflict ng love, kung sino ang mapupunta kay Echo at mapupunta sa akin) at ‘yung pag-aaway namin,” pahayag pa ni Piolo.

Samantala, hot topic na sa social networking sites ang mga maiinit na eksena sa Dahil Sa Pag-Ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

By: Reggee Bonoan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending