Jodi: Gusto ko ang susunod na role ko yung makakabuti sa mga tao! | Bandera

Jodi: Gusto ko ang susunod na role ko yung makakabuti sa mga tao!

Julie Bonifacio - September 29, 2014 - 03:00 AM

jodi sta maria

MAHIGIT dalawang taong tumakbo sa telebisyon ang  morning teleserye nina Jodi Sta.  Maria at Richard Yap na Be Careful With My Heart sa Kapamilya network.

Pero gaya ng lahat ng fairytales, may ending din ang love story ng characters nina Jodi (Maya) at Richard (Ser Chief) sa show.
At tulad ng magandang simula ng show, ttiniyak ni Jodi na magtatapos din ang Be Careful ng maganda.

Dahil diyan marami ang nag-iisip kung mas magiging choosy na si Jodi sa mga susunod na teleseryeng iaalok sa kanya. “Tulad ng sinabi ko sa management, if ever na may gagawin akong susunod na proyekto gusto ko talaga na  makakapag-impart din sa tao ng good morals, ng values.

Syempre, aware ako na karamihan talaga ng manonood ay mga bata, at hindi lang ‘yun, ‘yung epekto talaga ng impluwesya ng telebisyon sa mga manonood, malakas e,” lahad ni Jodi.

Binless daw siya ng Diyos ng magandang proyekto kaya sa tingin niya she wants to use her position ngayon para sa mas makakabuti sa nakakarami.

Click na click ang tambalan nila ni Richard on screen, tinanong namin si Jodi kung sino ang naiisip niya na posibleng susunod na leading man niya on TV.

“Sa totoo lang ngayon hindi ko pa ‘yan naiisip. Minsan talagang kapag tinatanong kung ano ang role ko hindi ko rin masagot. Kasi kung ano ‘yung proyekto na binibigay sa akin, kung sino ang makakasama ako, ‘yun ‘yung mga character na ini-embrace ko kapag ginagawa ko na siya.

I will put my heart into,” pahayag niya. First thing na naisip ni Jodi sa nalalapit na pagtatapos ng taping niya sa Be Careful ang makapagpahinga at magbakasyon kasama ang anak na si Thirdy.

“Alam ko na matutuwa talaga ‘yung anak ko dahil medyo… ang nababanggit  na nga niya is ‘yung time ko rin for him. Medyo hectic talaga.  Pero now, ayan, magtatapos na, super bonding na.”

Bukod kay Thirdy, may isa pang tiyak na sasaya sa pagkakaroon ng time ngayon ni Jodi. At ‘yun ay ang boyfriend niya, ang Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla, “Uh, hmm, hehehe!” sabay tikom ng bibig ni Jodi.

Kasunod ng last taping day ni Jodi for Be Careful ang pagsapit ng Pasko.  May plano ba siya kung saan sila magse-celebrate?  “Maga-out of the country kami ng family ko, sa Christmas mismo.  Pero hindi naman siya hanggang New Year.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending