Karla sa Mommy ni Kathryn: Humingi ako ng paumanhin sa pagkakamali ni Daniel!
MATAPANG na inamin ng nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang ginawa niyang paghingi ng paumanhin kay Kathryn Bernardo at sa mommy nito matapos sumabog ang kontrobersiyal na audio/video clip ng Kapamilya Teen King.
Ayon kay Karla, agad niyang pinuntahan si Kathryn sa bahay nito kahit kasagsagan noon ng bagyong Mario, para kausapin ang dalaga at humiling na bigyan muna ng chance si Daniel na ipaliwanag ang kanyang side sa isyu.
Sa live interview ng Aquino & Abunda Tonight kay Karla nitong Biyernes, nag-alala raw talaga siya para kina DJ at Kath, “Siya (Kathryn) ang una kong tinawagan at si mommy niya.
Sabi ko, ’Tita Min, humihingi ako sa’yo ng paumanhin sa nagawang pagkakamali ni DJ.’” Kuwento pa ni Karla, “Pinuntahan ko siya sa bahay niya, dahil importante sa akin si Kathryn at ang nanay niya.
Maganda ang pinagsamahan namin. Mahal ko sila. Sinabi ko sa kanya, ‘Anak, hindi ako nandito para ipilit sa iyo si DJ, pero alam ko na merong puwang sa puso mo.
Kilala mo ang tunay na pagkatao ng anak ko, at gusto ko ‘yun ang makita mo.’” Paano nag-react si Kathryn sa mga sinabi niya? “Tahimik siya. No, (hindi siya umiyak).
Pareho kaming nagpipigil ng emosyon, pero mas gusto ko kasing bigyan siya ng magagandang mensahe. Tsaka para hindi tumagal (isyu) and para bago humarap si DJ ay bukas na ang kaisipan ni Kathryn.”
Mabilis namang pinatawad ni Kath ang rumored boyfriend kaya nu’ng rumampa sila sa The Naked Truth fashion show ay mahigpit na niyakap ng aktor si Kath tanda ng pagpapasalamat nito sa pagiging understanding.
Bukod dito, pinayuhan din ni Karla ang anak na aminin agad sa publiko ang kanyang pagkakamali, “Sabi ko, ‘Anak, harapin natin ito. Nasa tabi mo ‘ko.’ Sabi ko sa kanya, ‘Huwag tayo mabuhay sa kasinungalingan, anak.
Maging totoo tayo, dahil hindi ka magiging masaya pag ito ay tinago mo sa lahat ng tao.’” Dagdag pa ni Karla, “Sabi ko, ‘Napakasarap na kinalabit tayo ng Diyos sa ganitong paraan lamang, anak.
You have to be thankful. Imagine, hindi mas malala.’” “I’m so proud of DJ. Hindi ko winawaglit ‘yung katotohanan na nagkamali ‘yung anak ko, pero ang mas importante sa akin, buong puso niyang hinarap ‘yung pagkakamali na ‘yon.
Maraming taong nagkakamali pero hindi lahat kayang harapin ang pagkakamali. “Mas marami ngayon, sa estado ng buhay mo, na gusto kang sirain, anak.
Masakit na katotohanan ito, pero ito ang kailangan mong tanggapin, anak – na sana, maging lesson talaga sa iyo ito dahil you don’t deserve this. I love very much, DJ,” emosyonal pang pahayag ng ina ni Daniel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.