GAYA nang nasabi natin, ang kanser ay madalas nagpapakita na bukol na mag-isa, matigas at walang kirot.
Sa umpisa, ito ay maaaring gumagalaw at walang makikitang senyales sa balat.
Obserbahan kung ang nipple o utong ay may discharge. Ginagawa ito sa pamamagitan ng maingat na pagpisil sa paligid nito.
Ang dugo o kaya ang mapulang discharge ay nagpapahiwatig na posibleng may bukol na hindi maganda (Intraductal Papilloma).
Kapag naaapektuhan na ang balat, masamang senyales ito, malala na ang kanser.
Kinakapa rin ang mga kulani (Lymph nodes) sa kilikili (Axilla) dahil sa ang isang direksyon ng pagkalat ng kanser ay sa pamamagitan ng Lymphatics system.
Ang isa pang daanan ng pagkalat ng kanser ay sa mga ugat mismo kung kaya’t nariyan ang posibilidad na kumalat papunta sa atay, buto, sa utak at iba pang parte ng katawan.
Maaaring malaman ang kanser ng maaga bago pa man makapa ang bukol.
Ang mga screening methods makikita sa mga ospital ay ang ultrasound at mammography. Ginagawa ito sa kababaihan na may malakas na family history ng breast cancer.
Pinapayuhan din ang mga babae na 35- anyos na magkaroon ng baseline mammography at magkaroon din nito kada taon kapag 40 anyos na at pataas.
Ang scintimammography ay ginagamit para sa mas maselan na pagtingin ng bukol.
Ang pinakabago at posibleng pinakamaagang paraan ay ang ginagamitan ng electrical impedance technology, ang tawag dito ay MEIK. Kumpara sa mammography, walang radiation ito at mas komportable sa pasyente dahil sa hindi naiipit ang suso.
Umaabot sa 92 porsyento ang sensitivity nito. Mas maigi na malaman ang maaga ang bukol kung ito ay kanser o hindi bago pa man ito makapa.
Paano nga ba ang gamutan kapag may diagnosis na?
Ang pinakamababa na gamutan ng kanser sa suso ay operasyon o surgery, kasama na dito ang biopsy.
Ang control ng kanser sa lugar ng suso ay nangangailangan ng mastectomy kung saan ay tinatanggal ang buong suso.
Kapag isinama ang mga kulani sa kilikili, ang tawag dito ay modified radical mastectomy (minimum surgery for breast cancer).
Dito malalaman ang stage ng kanser kung advanced o terminal na ang kaso. Meron ding adjuvant treatment, ito ay ginagawa kapat natapos nang matanggal ang suso.
Pwedeng gumamit ng radiation o radiotherapy at chemotherapy. Meron ding immunotherapy para patulugin ang cancer cells.
Hanggang sa ngayon ay puro mekanismo pa lang ang ibinibigay na kaalaman kung paano nangyayari na nagkaka-kanser sa suso.
May mga risk factors gaya ng obesity at strong family history ng kanser sa suso. Ang tunay na dahilan kung bakit nagkaka-kanser ang isang tao ay hindi pa natutukoy.
Syempre may kinalaman ang lifetsyle, nutrisyon at ehersisyo. May kinalaman din ang mga bisyo gaya nang paninigarilyo at paglalasing dahil ang resistensya ng katawan ay bumababa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.